Ayun, sa Robinsons Metro East yan. Wala lang kaming magawa. Sakto dahil may dalang kamera si Mami. Ayos! Swak na swak sa kodakan.
Nakangiti na si Kevin sa lagay na yan. Obvious naman kung kanino nanggaling ang aking malapad na noo.
Kunwari lang yan. Feeling pogi. Tinanggal naman namin ang flash ng camera dahil baka mapano pa ang mga mata namin. May butiki yata sa taas.
Nakita ng kapatid ko si Jollibee kaya nakangiti siya ng todo. Hmmm... Makes a lot of sense.
Ayan, matapos bugbugin ng mga security at ng iba pang kinauukulan, bumalik na siya sa kanyang katinuan. Tigilan na ang 1 million smile.
Tapos na kaming kumain pero parang ganun parin ang itsura namin. Naka-Ninoy look parin ako. Hmmm... Do I look disappointed?
Ayan ang bagong mascot ng Sustagen. Isang naka-pink at isang naka-blue. Kasama nila yung batang naliligaw na mananawagan sa kanyang nawawalang magulang.
Kinagatan muna bago kinuhanan ng litrato. Bery gud. Napaka-tamis. Gawa yata sa panutsa.