« Heaven sent | Main | Matagumpay na pagtatapos »

Kewl

Summer na naman. Summer ang panahon kung kailan: a.) masarap pumunta sa beach para magpapicture na naka-baon ang kalahati ng katawan mo sa buhangin, b.) mag-suot ng pinagyayabang mong Havaianas with matching Raul Roco style na polo, at c.) magpa-picture ng naka-bikini habang nakatalikod upang mai-upload sa Friendster, gawing primary photo, at lagyan ng "sExy BaCk" na caption--applicable din yun sa mga lalaki. Ngunit kung magpapatuloy ang ating pagsira sa atin kalikasan, ang ating masarap na summer ay maaring ma-reschedule--ayon yan sa isang very reliable source.

Ayon sa isa kong guro na itatago nalang natin sa pangalang Engr. Edilberto Tripoli, hindi raw global warming ang nararanasan ng ating daigdig. Mas nararapat daw na tawagin itong global climate change dahil habang umiinit ang temperatura sa lupain ng mga pengiun, polar bears, at eskimos, lumalamig naman daw sa ibang parte ng daigdig (ngunit hindi sinabi ng guro ko na itinatago natin sa pangalang Engr. Edilberto Tripoli kung saan ang mga lugar na lumalamig). Oha! Whatta trivia! Pero ngayon ko lang naisip na mas bibigyan nga naman ng pansin yung mga natutunaw na glaciers kaysa sa mga lumalamig na desyerto kaya siguro tinawag na global warming ang phenomenon na yun. Pero ano nga bang alam natin at ano naman ang paki-alam natin? Ewan.

Pero kung saka-sakaling ganun nga ang nangyayari, matutuwa ako kung makaka-epal ang Pilipinas sa global climate change. Kailangang makasali ang ating bansa sa global climate change para mapatunayan natin ang global status ng ating bansa at para maipakita na hindi tayo basta-basta nagpapatalo sa mga banyaga pagdating sa pagbabago at reporma sa kalikasan at temperatura. Kaya upang umunlad ang ating bayan, dapat ipasa na ng ating mga congressmen at senator ang Global Climate Change Bill upang masimulan na ang paglamig ng mala-impyernong bansa natin.

Yun nga lang once na lumamig ang Pilipinas, masisira ang equilibrium, balance of nature, at economic stability ng ating bansa. Oha. Ang tatlong nabanggit ko ay pawang mga bagay na hindi ko naman talaga alam at hindi ko sigurado kung meron talaga. Maniwala ka na maraming mababago kung saka-sakaling lalamig ang Pilipinas. Isipin mo: ano kayang mangyayari kapag may snow na sa buong bansa? Eto naisip ko:

  • Hindi na Baguio ang summer capital of the Philippines. Aba, bakit ka nga naman pupunta pa sa Baguio para mag palamig kung binabagyo naman ng nyebe ang buong kapuluan? Ayon sa statistics, hindi naman talaga mga Ifugao ang pakay ng mga turista sa Baguio--gusto lang talaga nilang makapunta at matuklasan ang katotothanan sa likod ng maalamat na dambuhalang air-conditioner na sinasabing nagpapalamig sa buong probinsya.
  • Makakabili ka na ng taho sa gabi at matitigil na ang production ng halo-halo. Bata palang ako, pinapangarap ko na ang may maglako ng taho tuwing 6:00 ng gabi. Kung lalamig ang klima sa ating bansa at ang pag-ulan ng yelo (malalaking tipak ng yelo) ay magpapatuloy, walang dudang may sisigaw na ng "tahooooooooeoeeeeww" o di kaya'y "yerrpppp" sa kalye ninyo kasabay ng timeslot ng mga nagtitinda ng balot. Sa kabilang dako naman, matitigil na ang pagtitinda ng halo-halo. Ang pagtigil ay hindi dahil sa hindi na type ng mga tao ang halo-halo dahil sa paglamig ng bansa. Ito ay dahil sa ang buko, kaong, nata de coco, mungo, macapuno, ube, at garbansos ay mahihirapan nang tumubo dahil sa pagbabago ng ground temperature. Pramis.
  • Mawawala na ang mga resorts. Tama. Wala nang magsu-swimming sa mga resorts ngunit hindi ito dahil sa ayaw na ng mga taong lumangoy sa tubig. Wala nang makakalangoy dahil sa magiging yelo na ang tubig. Sa halip na magsara at yakapin ang pagbagsak ng negosyo, ang mga may-ari ng swimming pools at resorts ay gagawing skating rink ang kanilang pool area--with life guard parin.
  • Babaho ang Pilipinas. Tama. Isipin mo nalang kung gaano kasarap tignan mula sa Google Earth ang view ng Pasig River at Marikina River kapag frozen na ang tubig. Kung ang flowing water ng Ilog Pasig ay mabaho, ano naman kaya ang amoy ng frozen estero? Ang amoy ng pinalamig na ilog, nagyeyelong Payatas at Smokey Mountain siguradong nakakasama sa kalusugan ng mga Pilipino. Idagdag mo pa sa overall-national-baho-rating ang angking kakayahan ng mga Pilipino na huwag maligo kapag malamig ang panahon dahil sa sila ay... nilalamig kapag naliligo tuwing malamig ang panahon. Kung tuwing December hanggang February lang ay nagkakatamaran nang maligo dahil malamig, magiging once a month schedule nalang ang paliligo ang ating mga kababayan habambuhay dahil sa global climate change.

Isipin mo nalang na kung malamig na ang Pilipinas, hindi na luluha ng pawis ang kili-kili mo. Pero magulo nga sa bansa natin dahil ang lahat ng tao ay gustong matawag na cool at hot ng sabay. So hawt at so kewl. Walang kakuntentuhan. Hot na, cool pa. Tsk tsk tsk...

P.S.: Noong bata pa ako, nagtataka ako kung bakit ang "snow" ay may katumbas na salitang tagalog samantalang wala namang snow sa Pilipinas.

Tamad talaga akong maligo kaya siguradong kapag lumamig ang simoy ng hangin, lalo akong tatamarin (wow it rhymes). Pati na rin ang mag-toothbrush.

"Yerrpppp" daw ang sinasabi ng magtataho kina Agi. Kung ano ang kinalaman ng "yerrpppp" sa taho, sago, at arnibal, hindi namin yun alam.

                            

Comments

Ang nyebe daw ay salitang hiram lang sa mga kastila. Nieve daw yung orig nun. May snow ba sa Spain?

Wala ka pa ring kupas!

mwah @ frozen estero!

Yerppp. that's so kewl.

yippee! nagbasa lang....

http://abouben.blogspot.com

POWTAH KA!ngayon lang ulit ako nakapagbasa ng mga blog mo.gusto na kita patayin.puro ka kalokohan!!!waaaaaaaaaaaaaaaa


p.s. kasalanan mo kung bakit masakit tiyan ko @_@

haha! natawa ako dun sa "yerp" haha!

natatawa naman ako XD!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .