« 2008 | Main | Kewl »

Heaven sent

Happy holy week sa inyong lahat.

Ngayong taon ko lang nalaman na hindi pala fixed ang holy week. Katulad ng Ramadan ng mga Muslim, gumagalaw din ang date nito. Sa pagkaka-alala ko, tuwing buwan ng Abril nagpapapako sa krus yung mga mukhang hoodlum nating kababayan. Advanced ang holy week ngayon dahil sa naapektuhan ito ng testimonya ni Jun Lozada, nationwide transport strike ng mga Jeepney drivers, at ng hindi inaasahang pagkapanalo ni Janina San Miguel bilang Miss World. Yun yun. Pramis.

Noong January 2008, may isang kakaibang billboard na pumukaw ng attention ko (mas madalas kasi yung mga ads lang nina Katrina Halili at Marian Rivera ang tinigignan ko).

Godpaper_1

Patok. Tama. Patok. Yun yung pinakamagandang salitang pwede kong magamit para i-describe ang billboard na yan. Kahit na pagsama-samahin pa ang mga WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY signs, wala paring makatatalo sa astig factor ng advertisement na yan. Sa tuwing nadaraanan ko ang ad na yun, nalilinawan ang utak ko. Napapaisip ako ng malalim. Napapatingin sa langit. Maraming nasasagot sa mga tanong na patuloy na bumabagabag sakin sa tuwing nakikita ko ang patalastas na yun (e.g. "Ano ang ulam mamaya?").

Ang billboard na yan ay nagpapatunay na may mobile phone (selpon) ang Maykapal. Oha. Isa yan sa mga pinakamalaking sikreto na hindi nakasulat sa Bible pero nakasaad naman sa billboard. Oha. Maraming nagsasabi na ang #7 daw ay God's number--sila'y nagkakamali. 3838 po ang number ni God at dun niyo siya pwedeng i-text. Kung magpapagawa man ng text hotline 666 si Satan, wala na akong paki-alam. Ang billboard na yan ay nagpapatunay din na mas makapangyarihan ang pagte-text kaysa sa pagdarasal lalo na kung malakas ang signal sa langit. Aba, kaysa magdasal ako ng mahaba, i-tetext ko nalang para mas sure--pwede pang i-shortcut para makatipid.

"W8 MO ME DER LANGIT HA? K? NYT! TSUP TSUP MWAH."

Kung si God ay may cellphone, malamang sina Joseph, Abraham, at iba pang Bible characters ay meron din. Paano naman nila makakausap si God kung hindi sila magtatawagan? Sigurado akong mas malakas ang signal sa Mt. Sinai kaya kailangan pang umakyat ni Moses dun para lang makausap ang Maykapal. Malaki ang posibilidad na sa bulsa ng The Black Nazarene ay may matatagpuang Nokia 3310 na punong puno ng love quotes galing kay Pedro at Hudas.

Kahit na mag penitensya ka pa ng limang araw mula Batangas papuntang Quiapo Church, hindi mababago ang buhay mo kung wala kang cellphone. Mapapagod ka lang. Kaysa pagurin mo sarili mo, text mo nalang si God. PENITENSYA <SPACE> ON then send to 3838. Pinadali na ni Kristo ang buhay natin, bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo?

Bagamat matindi ang impluwensya ng mobile phone sa mga Pilipino, mas malakas parin ang tama sakin billboards (lalo na yung kay Katrina Halili at Marian Rivera). Sa mga susunod na taon ay asahan natin ang pagdating ng Patron Saint of Green Joke Text Messages. Walang impossible. Nasa Pinas tayo.

P.S.: Hindi kami textmates ni God dahil exclusive siya sa mga SMART and Talk & Text subscribers. Wala akong SMART na mobile phone kaya eto, naiwan ako sa dasal method.

Bagamat piso ang halaga ng bawat text message, P2.50 ang kailangan mo para ma-text si God. Wag magreklamo. Papuntang langit ang message mo.

Ang billboard na yan ay matatagpuan sa Marcos Highway malapit sa Mariposa Lodge 3 at sa Woodstock Inn. As of March 21, 2008, andun parin ang ad na yan.

Ang kumuha ng photo na yan ay itatago nalang natin sa pangalang Mark Aurelio Beloy. Naks.

Gago lang ang seseryoso sa post na ito. Gago lang rin ang magsusulat ng post gaya nito. Pero mas gago parin si Jerome Ong.

Eh ano naman kung wala akong idea?

                            

Comments

Sa palagay ko ako ang unang nakabasa nito dahil 1:20am n ng march 22 nung ngpaalam at natulog c clarence. kagulatgulat dahil 2:00am same day ngupdate ang blog nya. wahehe. malupit ang kamoteng to. nakakapagupdate ng tulog. wahahaha. Jerome Ong? Beloy ba un? ^_^

hahaha.. ayus naman ung ad na yun! hahaha! sayang at wala akong smart! hihingi ako kay Lord ng isang pod x3 live at isang andy timmons na sig! hahahaha! Jerome ong? gayihin ko kaya siya? hahaha!

BWAHAHA akala ko panaginip lang yung pagkakita ko sa billboard na yan, kasi isang beses ko pa lang siya nakikita! X_X Araw-araw naman akong dumadaan dun from work, pero di ko na nakita ulit. Ano nga ba ang point ng billboard na yan? Super weird!

lol
yun lang
hehe

LOL ka talaga Kamote. You never fail to make me laugh! Kala ko pa naman seryoso post dahil Holy Week. LOLOL!

Mas astig pa sa "Ding Dong" billboard ni Ding Dong.

Dewd. Bagong blog. wow! *clap-clap* di tayo dumaan sa Marcos Highway malapit sa Mariposa Lodge 3 at sa Woodstock Inn. Tsk Sayang. hehehe

Uy salamat sa pagdaan ah.

@Allan
Boy pramis, nakahanda na yan at kinlick ko nalang yung "Publish" button bago tayo matulog. Gagew. Di kita tatakasan sa trabaho ah.

@Justine
LOL. Puro Podx3 ang pangarap mo. GT10 nalang para may bagong gamit uli si Kamote.

@Dani
YAY! Wala na yang ad na yan mehn. @_@ Pero yung likod niyan, meron pa. Yung may "Mis u na - God" OHA!

@Yan
haha.
lol din.
lawl.

@Angel
You tats my tralala!

@Anbt
Pramis nadaanan natin yan ngunit dahil tayo'y nagmamadali, ayun, di natin napansin. Sayang. @_@

LOL.. bili nko ng smart.. madami dami akong ittxt..

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .