« Kwentuhan lang | Main | 2008 »

w00t

Ayon sa Merriam-Webster Inc., ang word of the year daw para sa 2007 ay w00t. Tama. w00t. Maliit na titik w. w00t. Dalawang zero imbis na dalawang titik o. w00t. Tama. w00t nga.

Ang word of the year ay galing sa online lingo na 1337sp34k (leetspeak). Pauso yan ng mga computer nerds noong 80s sa mga BBS (bulletin board systems) na kung tawagin natin ngayon eh online forum o message board. Kung titignan natin, halos wala namang pinagkaiba ang l33tsp34k sa kabadingan culture ng mga Pilipino noong 90s kung saan nagkaroon ng sariling lengwahe ang mga kasapi ng parokya ni Rey Pumaloy, Tita Swarding, at Ricky Reyes. Chuva chuva.

Noong mga nakaraang taon, sinubukan kong hanapin ang definition ng w00t para naman maging in ako sa mga kwentuhan sa isang message board na sinalihan ko. Acronym raw ito para sa "we owned other team." Lalo kong hindi naintindihan. Mahina siguro ako sa acronyms. Akala ko nga dati eh ang ibig sabihin ng ASL ay asshole at ang LOL naman ay katumbas ng ulol. w00t.

Pero balik nga tayo sa w00t.

Sa patuloy na pagsikat ng mga online games, naging sikat din ang salitang w00t kasabay ng mga salitang OMG, h4x0r5, at pwn na pare-pareho kong hindi maintindihan. Maasahan natin na ang mga nabanggit kong salita ay magiging word of the year din kapag naging presidente na si Jinggoy Estrada.

Bilang pagtanaw sa malaking tagumpay ng salitang w00t, ipapakita ko sa inyo ang isang originally plagiarized (Jerome Ong style) na highly 3D graphic vector photo na magbibigay ng linaw satin kung ano ang ibig sabihin ng w00t:

W00f_3Bagamat galing sa BBS at 13375p34k ang w00t, ginagamit rin ito ng mga prehistoric people. Ang naturang mural ay ginawa pa umano noong 390 BC. Noong unang panahon, humuhuni pa ang mga pagong ng w00t. Originally, w00t!!! ang nakalagay diyan, ngunit dahil sa matinding vandalism at sa tanda ng natagpuang relic, uoot!!! nalang ang ating mababasa.

Kung ano man ang Tagalog ng w00t, hindi ko sigurado. Gayunpaman bilang isang engineer na walang board exam, maihalintulad ko ang salitang w00t, sa "Wakokoko" ng mga Pilipino. Bakit kamo?

  • Parehong galing sa online lingo ang w00t at WAKOKOKO.
  • Parehong paborito ito ng mga retarded na bata at ng mga isip batang pedophiles sa internet.
  • Parehong nasisimula sa titik W.
  • Parehong masarap sabihin sa tuwing wala ka nang masabi sa ka-chat mo.
  • Parehong walang sense.

Dapat malaman natin kung kailan gagamitin w00t dahil sa magiging uso ang naturang salita sa buong 2008--kahit na word of the year ng 2007 'yon. Tandaan mo na kailangan ng tamang timing ang paggamit ng w00t para madagdagan ang pogi points mo sa chatmate mo. Heto ang ilang mga sitwasyon kung kailan mo dapat gamitin at hindi gamitin ang salitang w00t:

  • Maari mo itong sabihin sa tuwing magbabayad ka sa jeep.
  • Hindi mo ito maaring magamit kapag pababa ka na ng jeep.
  • Pagkatapos mong tumae, sumigaw ka ng "w00t!" para makuha ang atensyon ng magulang mo at hugasan nila ang pwet mo.
  • Kapag nanonood ka ng pelikula at may kissing scene, maari kang mag-w00t sa katabi mo (especially kung babae).
  • Hindi angkop ang magsabi ng w00t habang nanonood ng Sineskwela at Hiraya Manawari.
  • Ibulong ito sa iyong katabi pagkatapos manood ng Dora the Explorer. Soft whisper lang ha.
  • Kapag magpapapicture, sabihin mo ang salitang w00t sa halip na "CHIZ" para sa tulis-nguso effect.
  • Kapag gusto mong sumipol pero sadyang hindi mo kaya o sadyang hindi kaya ng nguso mo, o sadyang maikli ang dila mo, pwede kang mag-w00t.
  • Pampalayas ng mga masasamang espiritu at engkanto.
  • Iwasan din gamitin ang w00t kapag wala kang masabi sa recitation.

Ayon sa mga reliable sources natin, ang synonym daw ng w00t at YAY. At ayon parin sa mga reliable sources natin (assuming na nakiki-"natin" ka talaga), ang w00t ay walang kinalaman sa w00f.

Kung sino man si Merriam-Webster at kung bakit may dash ang pangalan niya, at kung hyphen ba yun, at kung ano man ang surname niya, at kung paano niya pinili ang word of the year, hindi ko alam. Hindi na ako magugulat kung maging word of the year sa 2008 ay roflolmaomgeez at maging presidente si Jinggoy Estrada.

Totoong Trivia Talaga 'To! (TTT'T!):

  • Totoong word of the year for 2007 ang w00t. Nung mga nakaraang taon, blog naman ang napili.
  • Ang l33tsp34k at 13375p34k ay iisa lamang.
  • Ang roflolmaomgeez ay pinagsama-samang ROFL, LOL, LMAO, at OMG na pare-parehong internet lingo. Ang omg ay minsang ginagawang omgeez para sa pampalandi effect--parang si Jolina lang.
  • Bading talaga sina Rey Pumaloy, Tita Swarding, at Ricky Reyes.
  • Totoong ninakaw ni Jerome Ong ang blog ko. Ang Kamote Force ay ginawa niyang Ang Batang Uhugin. Copy-paste method.
  • Bading rin yata si Jerome Ong at kras niya ako.
  • Ginagamit ko talaga ang salitang w00t.
  • Gagamitin rin ito ni Jerome Ong. PUSTAHAN!?
  • 60th blog entry ko 'to. Ang tagal na nating nag-gagaguhan at hanggang ngayon, hirap na hirap na hirap na hirap parin akong magpatawa. Gaya ng lahat ng mga blog entry na nagawa ko, puro typo parin 'to. Consistent si Kamote.
  • Ayon sa calculator ko, 29 times binanggit ang salitang w00t sa entry na 'to bukod pa sa title ha. Pang 30 yung w00t na sinabi ko nung huling sentence. Pang 31 naman yung w00t na yun. 32nd w00t yung huli. Kaka-33rd w00t ko lang. 34th yata yung w00t ko kanina. w00t! Hindi na gumagana ang calculator ko.
                            

Comments

Ang Batang uhugin? nabura na yata yun sa listahan ng multiply, pero may galit pa yata sayo nyahahaha. ayos tong site mo bro,

nice..napapatawa mo ako sa blog mo kahit pagpilitan mo seryoso ka sa mga sinasabi mo...hehe..

w00t
wtfx0r5

ayos!!
w00t lng ng w00t!!
hehehe
nice blog..
keep posting!!

Jerome Ong w00t! w00t!
PWNAGE ka na naman Kamote!

@Ron
Manong salamat po!

@Kai
Salamat! Pero minsan talaga seryoso ako. Minsan lang ha! Wakokoko! Salamat sa pagbisita at pagbasa!

@bLOOd CRave
roflolmaomgeez

@MiTcHiChAi
w00t nga. Halina't ikalat ang bagong online lingo. Orayt.

Salamat po!

@Jowdie
I mwah u so much.

Wahahaha! Oo. May mga narecover pa akong links ni Jerome Ong. Ayus! Wahahaha. Gusto kong manggago.

w00t! Balitaan mo ako tungkol kay Jerome Ong! Kung ako sa kanya eh iiwan ko na ang online life ko dahil 'hindi natin sya tatantanan'.

w00t!

MWAH U!

asan links penge

haha! w00t! cno ba yung jerome ong na un? pasalvage na ba? maxado ata siyang may gusto sayo eh! wahahha!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .