« w00t | Main | Heaven sent »

2008

Gaya nga ng lagi kong sinasabi: "huli man at magaling, late parin." Gayunpaman, wala akong pakialam kung late na ang entry ko. Mas magandang i-reveal ang 2008 predictions kapag malapit na ang Chinese new year. Kahit hindi ako singkit at ako'y isang Pilipino sa isip, salita, at sa gawa, ako'y tagahanga parin ng mga tinitinda sa CD-R King.

2008 na. Kagaya ng lahat ng simula ng taon, eto ang paraan para magbagong buhay at itama ang lahat ng katangahan na nagawa mo noong 2007. Pero asahan mo na pagdating ng February ay nakalimutan mo na ang new year's resolution mo. Maraming mangyayari ngayong 2008, at karamihan sa mga 'yun ay alam ko na dahil sa precognitive psychic abilities na nakuha ko sa patuloy na pag-inom ng Pocari Sweat at Tropicana.

Ayon sa aking pagsasaliksik sa mga plagiarized at vandalized articles sa Wikipedia, ang 2008 daw ay:

  • International Year of Planet Earth
  • European Year of Intercultural Dialogue
  • Australian Year of the Scout
  • International Year of the Potato
  • International Year of Sanitation.
  • Year of the Frog, as declared by the international conservation initiative Amphibian Ark.

Ayon naman sa pagkakaintindi ko sa Chinese astrology, ngayon daw ay Year of the Boar. Waw naman. Hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan ko. Sa tingin ko, mas convincing ang International Year of the Potato kaysa sa Year of the Boar, Year of the Praying Mantis, o Year of the Sleeping Tiger. Pero ano bang pakialam natin? Kung sinulat ko siguro sa Wikipedia na ang 2008 ay Year of the Rising Monkey, may mga uto-uto rin na maniniwala at magpapaka-unggoy buong taon.

Kung ang mga talkshows ay nag-iimbita ng mga manghuhula, salamangkero, TV personalities, at clowns, para magbigay ng sariling opinyon sa mangyayari buong taon, dapat sinali rin nila ako dahil may pagka-salamankero din naman ako. Pero dahil nga hindi nila ako sinali, blog ko nalang ang bababuyin ko.

Heto ang 2008 forecast ko:

  • Mas lalakas ang purchasing power ng Philippine Peso laban sa U.S. Dollar. Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko: magiging mas mababa ang exchange rate ng dolyar.
  • Kasabay ng pagbaba ng exchange rate ay ang pagtaas naman ng halaga ng mga karne, gulay at isda na pare-pareho nating kinakain.
  • Kasabay naman ng pagtaas ng halaga ng karne, gulay at isda na pare-pareho nating kinakain ang pagtaas ng presyo ng langis na pare-pareho nating hindi iniinom.
  • Kahit na tumataas ang presyo ng karne, gulay at isda na pare-pareho nating kinakain, hindi naman tataas sa 5'4" ang height ni Gloria Macapagal-Arroyo na pare-pareho nating gustong kainin ng buhay. Hindi rin magiging nakakatawa yung joke na pinilit.
  • Sa buong taon, magkakaroon ng mas marami pang branches ang SM supermalls. Magiging extinct na ang mga palengke at kakainin ng buhay ng SM supermalls ang mga talipapa. Ang mga sari-sari stores naman ay lalamunin ng Ministop at 711 convenience stores.
  • Mawawalan ng free parking ang lahat ng malls sa Pilipinas. Magiging kasing mahal ng gasolina ang per hour rate ng parking space.
  • Ang CD-R King ay magpapalit na ng pangalan dahil sa hindi lang CD-R ang binebenta nila.
  • Unti-unting sasakupin ng China ang Pilipinas sa pamamagitan ng pag-eexport ng mga China-made na kasangkapan.
  • Kagaya noong 2007, ang mga kasangkapang ipapadala ng mga intsik sa Pinas ay rich in lead-content.
  • Magiging Call Center Capital of the World na ang Pilipinas dahil sa milyun-milyong mahuhusay na sumasagot ng telephone calls na nanggagaling pa sa ibang bansa.
  • Ang Starbucks ay patuloy na yayabong at magkakaroon pa ng mas maraming fans dahil sa proven na nakakapagpataas ito ng social status ng mga social climber.
  • Sa buong taon, patuloy paring magdedemandahan ang GMA7 at ABS-CBN.
  • Muling ipapalabas ang Slam Dunk, Ghost Fighter, at Flame of Recca sa GMA every hapon ng weekdays. Pustahan.
  • Ngayong 2008, malaki ang posibilidad na magpakasal uli si Willie Revillame.
  • Ngayong 2008, mas malaki ang posibilidad na ang mapapangasawa ni Willie Revillame ay isa ring lalaki.
  • Mas maraming artista ang magpapahayag na sila ay tatakbo sa 2010 elections.
  • Mas maraming artista ang matatalo sa 2010 elections kahit na 2008 palang ngayon.
  • Ang populasyon ng mga bading ay magkakaroon ng 17.9% marginal growth sa 1st quarter ng 2008. 'Yon ay dahil sa matinding impluwensya ng media, internet, at pakikinig sa music ng My Chemical Romance.
  • Ang populasyon naman ng mga emo ay magkakaroon ng 38.4% increase sa kabuuan ng taon. Kasabay ng pag-laki ng kanilang kulto, tataas din ang demand para sa mga pula, itim, at pink na T-shirt.
  • Sa kabilang dako naman, mas lalong kokonti ang mga hifhaf dahil hindi pa magrerelease uli ng album si Andrew E.
  • Magiging mas patok ang pag-solve ng Rubik's Cube sa buong taon. Ito'y lalaruin ng mga emo, hifhaf, at mga feeling genius. Dahil sa kasikatan ng Rubik's Cube ngayong 2008, maraming online games ang malulugi at magsasara.
  • Mas lalong magiging uso ang -ista suffix ngayong taon. Arista. Durogista. Rakista. Gitarista. Bahista. Dramista. Piyanista. Rapista. Blogista... at iba pang baduy na salita.
  • Dahil sa pagsibol ng -ista suffix, mamatay na ang -ness suffix. Wala na ang mga minahal nating salita noong 2007 gaya ng lolness, asaness, taeness, in fairness, my goodness, at chuvaness.
  • Lalakas ang puwersa ng MMDA sa buong bansa. Mas dadami ang mga buwaya na nakasuot ng blue an polo sa daan.
  • Sasakupin ng MMDA ang buong Luzon sa loob lamang ng 2008. Mapupuno ng METRO GWAPO TAO GANADO ang lahat ng panulukan ng Metro Manila.
  • Kukwadrahan din ng MMDA ang buong Pilipinas sa pamamagitan ng pink fences. Magmu-mukhang hawla ang EDSA. Ngunit kahit na nakakulong na lahat ng mga pedestrians, wala paring pipigil sa kanila sa pagtawid kahit na merong WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY sign.
  • Patuloy paring bubutasin ng MWSS ang mga nanahimik na kalsada para magrepair ng mga pipe na matapos ang isang buwan eh bubutasin uli para irepair.
  • Sa buong taon, maraming tao parin ang matatanga na magsusulat ng 2007 kapag tinatanong ng date kahit na 2008 na.
                            

Comments

Rewr. Isama mo na rin sa New Year's Predictions mo yung

"Tatanghalin na pinaka magandang laro ang Magic Cards at irerequire ng gobyerno na ituro ito sa mga paaralan at isasama ito sa Philippine constitution"

Ano, gusto mo maglaro? ha?

ganda ng florantet laura
]

Nakalimutan mo isama ang Dragon Ball Z.

haha!naks naman! ang daming predictions! wahahah!

ako may prediction, tae, "isang grupo ang kakarmahin at mareretain sa skul dahil sa hindi gumaganang prototype". huhu

Hahax! Natuwa naman ako dun sa rubix cube. Oo nga... rampant na nga ang rubix. Isa yan sa mga factors kung bakit nagsara ang PangYa Ph.

vvv Konti na lang makaka move on na.

XD

hayzzzzz
la namang mahanap

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .