« Watch and learn | Main | w00t »

Kwentuhan lang

Sa tuwing sinasabi ko na world peace ang gusto kong regalo, seryoso ako. Oo alam kong gago ako at hindi mo na kailangang ipamukha yun sakin pero may pakialam ako sa mga tao sa paligid ko at ayaw ko talaga ng may nahihirapan. Kahit sa fairy tales eh wala naman talagang utopia pero hindi naman siguro masama na mangarap ako tungkol dun.

Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ako ng mga taong grasa at mga palaboy sa daan. May kanya-kanya silang kwento at may mga dahilan kung bakit nila sinapit ang kinalalagyan nila ngayon na pare-pareho nating hindi alam. Pero hindi lang naman ako nalulungkot sa tuwing nakikita ko sila dahil mas lamang ang pagkaawa ko at pagkatakot sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mas matimbang sakin--matakot o maawa? Pero yun nga yun. Ang hirap ipaliwanag. Natural lang naman na matakot tayo sa kanila dahil sa hindi sila pangkaraniwan at may problema sila sa pagiisip. Maari silang makagawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa atin dahil sa wala sila sa katinuan. Natural lang din na maawa sa kanila dahil sa alam naman natin kung gaano kahirap ang kalagayan nila. Hindi mo kailangang maging taong grasa para lang masigurado na ang masalimuot ang kwento ng buhay nila. Malamang, tayong mga ordinaryong tao eh hindi kakayanin ang mga sinasapit nila--yung mga iba ngang gago diyan eh hiniwalayan lang ng nobya eh nag-attempt nang mag-suicide.

Kung totoong magiging pantay-pantay lahat sa isang komunistang gobyerno, gusto ko yun. Masakit para sa akin ang may makitang isang tao na nahihirapan habang ako eh nagpapalamig sa isang lugar na may air-conditioning unit. Hindi ko rin matanggap na merong ilang tao na nagugutom habang gumagastos ako ng pera pambili ng mamahaling gamit sa gitara. Ang hirap isipin na may mga tao na natutulog sa lansangan kahit bumabagyo samantalang ako eh nagda-drive papuntang paaralan. Seryoso. Masakit para sa akin na makita ang mga bagay na yun at sapat na yun para maantig ang damdamin ko at matulala saglit at magpasalamat sa mga bagay na meron ako ngayon.

Kanina sabi ko sa aking bespren (leche wag kang papalag bespren kita) na hindi ko talaga alam kung napakamalas lang nila o napakaswerte ko lang. Kung tutuusin, ang sukatan ko kung gaano kasarap ang mabuhay ay kung gaano sila kalapit o kahigit sa lifestyle ko. Yung mga iba eh hindi makatulog kapag walang load ang mobile phone nila samantalang may mga 'di pinalad na itinutulog nalang ang gutom. Malas lang ba sila? O sadyang napakaswerte lang natin na ngayon eh disappointed na nakaupo sa harap ng computer at nagbabasa ng blog entry ni Kamote na walang punch line. Oo. Maswerte ka. Maswerte tayo. Hanggang ngayon, hinahangad ko rin na maging maswerte sila.

Pero sino nga ba ang may kasalanan?

Sabi nga nila na hindi natin kasalanan ang ipanganak ng mahirap dahil wala tayong magagawa at di naman natin mapipili ang ating magulang. Kung mamatay ka ng mahirap, kasalanan mo na yun dahil dapat ay may nagawa ka para baguhin ang buhay mo noong ikaw ay nabubuhay pa. Pero may choice nga ba sila? Ang gulo mehn.

Hindi ako naniniwala sa salitang "no choice" dahil sa oras na inisip mo yung salitang no choice, pinili mo nang tanggapin ang "no choice". Tinanggap mo. Pinili mo. Parang sa Pokemon na "I-choose you no choice!"-style mentality. Walang salitang "no choice" para sa akin. Pero baka para sa mga hindi maswerte sa buhay, baka nga no choice.

Kung may presidente na makakapagtanggal ng kahirapan sa buong mundo, siguradong iboboto ko siya. Pero halos lahat naman ng pulitiko eh siyang nagpapahirap sa mga likas nang mahihirap kaya ang hirap ding isipin na mayroong isang mamumuno na magtatanggal ng kahirapan ng walang pinapahirapan. Ang haba ng pangungusap na yun 'no?

Pero seryoso. Ayaw ko ng may nahihirapan. O siguro, dahil sa sarili ko lang ang iniisip ko dahil ayaw ko ng nahihirapan ako dahil sa tuwing nakakakita ako ng nahihirapan, parang pati ako nahihirapan din.

Bakit ko naisulat yan?

November 23, 2007
7:00 pm - 7:whatever pm

Traffic kanina sa Marcos Highway. Siksikan talaga. Badtrip. Kumakanta ako ng "Somewhere Only We Know" in full birit with matching actions and facial expressions nang biglang kong napansin na may isang taong grasa na nakaupo sa baytang ng isang jeepney. Natigil ako sa pagkanta at hininaan ko ang volume ng pinatutugtog ko.

Naisip ko na maaring busilak ang kalooban ni manong tsuper kaya pinayagan niya si taong grasa na sumakay sa jeep niya. Si taong grasa naman ay tahimik lang at mukhang nakatira ng ilang gramo ng shabu at masama ang tingin sa paligid niya. Gabi na rin kasi nun at malamang eh nasisilaw siya sa mga ilaw ng sasakyan na nasa paligid niya.

Tahimik lang akong naglalakbay ng napansin kong gumigilid si manong tsuper ng jeepney na sakay si taong grasa. Gumigilid at ginigitgit ako. Tuloy tuloy lang ako sa pagmamaneho ng dahan-dahan dahil sa lubos ang trapik at dahil sa mabagal lang talaga ako.

Tuloy tuloy lang ako ng biglang napasarap sa kabig si manong tsuper at tinaaman ang side mirror ng minamaneho ko. Hindi siya natinag. Tumigil si manong tsuper sa pagmamaneho at pagkatapos ang ilang segundo ay tumuloy lang. Ako naman ay nabadtrip dahil sa nanahimik lang akong nagpapatakbo ng diretso nang biglang may umepal at tinabig ang side mirror ko. Gusto ko sanang bumaba at tawagin si manong driver para man lang humingi ng paumanhin sakin o at least man lang eh malaman niyang may natabig siya. Pero hindi ko nagawang bumaba dahil sa inunahan ako ng takot nung makita ko ang taong grasa. Isa pa, naisip ko rin na side mirror lang yun at malamang ay very minimal ang damage na nagawa kung saka-sakali.

Hindi siya nakatingin sakin pero nakatingin ako sa kanya. Malamang hindi niya alam kung anong nangyari pero kung bababa ako at makikipagtalo kay manong tsuper, malamang malalaman niya--hindi ko lang sigurado kung maiintindihan niya. Minabuti kong hindi bumaba dahil sa natakot ako na mapalapit kay taong grasa.

Nakalagpas ako sa heavy traffic at nagpasya na iparada saglit ang minamaneho ko para makita kung gaano kalaki ang damage na nagawa ng one-night-stand namin ni manong. Wow. Hanep. Sa side mirror, galos lang, pero sa kanang bahagi ng minamaneho ko, wow, anlaki. Kinayod ng kulay puting jeepney ang kawawang itim na kotseng minamaneho ko.

Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Dapat siguro bumaba ako para man lang nalaman ko kung ako ang agrabyado o ako ang na-agrabyado (pero siyempre dahil kwento ko 'to, ako ang bida at ako rin ang dapat kaawaan kaya ako ang agrabyado). Pero huli na ang lahat dahil malayo na si manong at kahit plate number niya ay hindi ko rin nakuha. Alangan namang habulin ko lahat ng dyip na may taong grasa sa likod. Kinain ako ng takot ko sa taong grasa kaya nagalusan ang iniingatan kong sasakyan.

Malamang, kasalanan ko.

P.S.: Ang mga gago ay 'di tulad ng mga taong grasa na hindi makausap ng matino. Matagal ko nang saloobin ang mga bagay na 'yan ngunit ngayon ko lang piniling ibahagi sa inyo. Minsan, marunong din akong magsulat ng seryoso.

Walang edit-edit. Diretso save. Typo hunt nga.

Ikaw na bespren na kakwentuhan ko kanina, quiet ka lang kung sino ka.

                            

Comments

sino si bespren mo kuya? kaya pala di ka makapag-text kagabi dahil dun. at kaya din pala badtrip ung gabi mo. ;)) okey lang yan kuya.

kahit ako takot din sa taong grasa.

Masakit para sa akin na makita ang mga bagay na yun at sapat na yun para maantig ang damdamin ko at matulala saglit at magpasalamat sa mga bagay na meron ako ngayon.

~~~kaya siguro nasanggi ang side mirror mo! hahahaha

Kung sakaling nakapunta na kayo ng NCMH yung mental sa Mandaluyong ay parang super duper magnification yun ng kwento ni Kamote to the highest level with 100x zoom. 46.7 hectares na ang laman ay puros taong grasa. Bahala na kayo humusga.

ang galing mo magsulat. nakalimutan ko na kung bat ako napadpad dito. may hinahanap lang ako sa google eh. pero ayun, ang galing. pati yung mga blog sa links mo. hehe.

Ayan, napadaan din ako sa iyong blog.
Tama siya, yung Marj (hehe), ang galing mo nga magsulat. Mala-Bob Ong. Hehe wala lang.
At yehes naman. Nagmamaneho na siya. Sosyal. Haha.
Yun lang, napadaan lang. Galing.:)

Mas idol ko pa si Kamote kesa ke Bob Ong. Minsan iniisip ko nga ba talaga kung sya si Bob Ong.

Bob? 'sdatchu?

right. Bob Ong. idol! :p keep it up. konti na lang ang matinong blog ngayon eh.

Nakakatakot nga sila. Kahapon lang habang kumakain kami dun sa may likod ng Ever eh may lumapit na taong grasa. May sira nga yata dahil basta na lang sya nangaakbay. Hindi naman kami makapag-react. Buti na lang nilagpasan nya lang ako.

Pero minsan naman naaawa rin ako sa kanila. Lalo na kapag matanda na yung namamalimos sa akin. Kapag matanda na hindi ko mahindian eh.

Sa bata naman hindi ako nagbibigay. Who knows kung sindikato yun. Or kinokolekta ng tatay nila yung naipalimos para ipang-sugal.

Pero pero pero...bigtime ka na pala! May minamaneho ka na. ;))

Bad trip hindi talaga ako nakakatanggap ng mensahe na nakapag-update ka na ng blag. Bad trip.

Siguro kanya-kanyang swerte rin yan. Halimbawa, kung taong grasa ka at ayaw mo talagang may makialam sa ginagawa mo, wala talagang makikialam. Pasasakayin ka ng jeep nang libre. Kahit anong gawin mong trip ok lang kasi di ka pakikialaman ng mga tao (lalo na yung takot sa'yo). Etc etc. Relative nga siguro yung swerte.

Update idol!


peace out...ajejeje

ex-links?

www.e-l-a-y-a-s.blogspot.com

[yas]

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .