« Value meal | Main | Watch and learn »

Tsarap

Kanina, nanood ako ng news sa TV. Ayos ang balita dahil tungkol sa isang factory ng siopao sa China na nahuli ng mga awtoridad dahil sa kagaguhang ginagawa nila sa mga produkto nila. Patok naman kasi 'tong mga intsik na nilalagyan ng karton ang palaman sa siopao. Oo. Karton nga. Maniwala ka kay Mel Tiangco.

Sinasabi na halos 60% daw ng palaman sa siopao ng nasabing factory ay karton na binili nila sa iba't ibang establishments. Ang karton na ay ibababad muna sa caustic soda (malay ko kung anong tamang isfelling niyan) bago ihalo sa produkto upang hindi gaanong malasahan ng mga consumers. At dahil nga 60% daw yun ng palaman ng siopao, ang natitirang 40% naman ay gawa sa taba ng baboy.

Ngayon gusto mo pa bang kumain ng siopao?

Pero ang magandang balita ay hindi naman daw napadpad sa Pinas ang naturang siopao na ginago--ayon yun sa isang hindi kilalang source ni Mel Tiangco (o maaring kilala din ngunit hindi ko lang maalala). At siyempre alam kong ngayong mga oras na ito ay hinihintay mong magbigay ako ng isang korning punch line tungkol sa pusa at siopao ngunit nagkakamali ka.

Kahit na marami rin siguro sa mga intsik ang nakakain ng siopao with a box, wala namang naulat na nagtae o nagka-almoranas dahil sa pagkain ng nun. Maaring masyado lang silang nahihiya para amining nairitate ang sikmura nila sa karton, o baka natatakot lang silang ma-feature ni Mark Logan dahil sa mala-Believe It Or Not nilang experience.

Pero dahil nga nabisto na ng awtoridad ang nasabing modus ng factory, ipinasara na ito. Ibig sabihin, hindi na natin kailangang mag-alala sa pagkain ng siopao. Ngunit ang pangamba ko lang eh dahil ngayong nai-feature na ito sa TV, maaring gawin na rin ng mga kapwa Pinoy natin ang paglalagay ng additional ingredients sa siopao.

Dahil naniniwala ako sa angking creativity ng Pinoy, maaring maging present ang mga ito sa ingredients:

  • Karton - Dahil pinauso ng China, gagayahin yan ng Pinoy sa parehong paraan na ginagaya natin ang mga pauso ng chinovela, asianobela, koreanovela, mga kapitbahay nating bansa. Sigurado yan. Karton din ang pinaka-patok na ingredient.
  • Tissue - Walang dudang papatok 'to bilang ingredient sa siopao. Hindi mo na kailangang mang-hingi ng tissue dahil kasama na ito sa kakainin mo. Ang recycled na tissue (galing inidoro) ay magagamit din para pampadagdag ng lasa (lalo na ng alat). Dahil diyan, tataas ang demand sa mga tissue na ginamit sa pag-ebak kaya mabebenta na ito ng P1.00 each. Kapag nangyari yun, magiging masigla ang ekonomiya ng Pilipinas. At literally, tatae tayo ng pera.
  • Tela - Alam nating lahat na mahal na mahal ng mga manggagawang Pinoy ang Good Morning towel kaya dala-dala nila ito tuwing nagtatrabaho. Kung ang mga Katoliko ay may Rosaryo, ang mga manggagawang Pinoy naman ay may Good Morning towel na nakasabit sa leeg nila. Ngunit dahil sa matinding panga-ngailangan, kailangan nilang mawalay sa true love nila. I-aalay ang Good Morning towel para sumarap ang siopao. Dahil may halong pawis na ito, mababawasan ang requirement sa asin. Pinapaputi rin ng Good Morning towel ang siopao mixture at maari itong gamiting counter agent sa mga negative effects ng karton. Pwede ring gamitin ang panyo ng mga taga-El Shaddai. Iwagay-way.
  • Buhok - Oo. Buhok nga. Alam kong nagkaroon na kayo ng experience ng pagkain ng siopao na may buhok. Ang buhok ay isang rekado sa pagluluto na pilit na inililihim ng mga sikat na restaurant. Ngunit dahil isinulat ko ito sa blog ko, malalaman na ng lahat ng siopao makers na masarap ihalo ang mga hibla ng buhok sa produkto nila. Sa susunod na araw lang, balbon na ang siopao mo.

Hindi na natin kailangang kainin pa ang papel na nasa pwet ng siopao.

Whiterabbit_1 Tandaan natin na noong unang panahon pa lamang eh sadyang trip na ng mga intsik ang pagkain ng papel. Katulad nalang nga ng papel na nasa siopao. Hanggang ngayon, nagde-debate parin kami ng mga kaibigan ko kung talaga bang clinically tested ang pagkain ng papel na wrapper ng White Rabbit. Pero dahil wala pa namang nai-rereport sa news tungkol sa namatay dahil sa pagkain ng candy na yun o kaya naman ay tungkol sa maduming factory ng White Rabbit, I therefore conclude na safe yun.

Pero para makasiguro sa safety ng White Rabbit, manonood nalang ako ng TV. Aabangan ko sa news.

P.S.: Kinakain ko talaga ang wrapper ng White Rabbit at yung papel sa siopao.

Kapag nagkatotoo ang mga prediction ko tungkol sa mga ingredients na yun, ililibre kita ng siopao.

Totoong napanood ko ang news feature na yan tungkol sa isang Chinese factory. Hindi yan tinext lang sakin o ipinadala sa Prenster as chain mail. Or else your mom will die.

Dalawampung isang beses kong nabanggit ang salitang siopao. Ayan, bente uno na.

Mag-comment ka. Or else your mom will die.

                            

Comments

dahil sa mahal ko ang nanay ko akoy mag comment! wahahahaha! ako kinakaen ko rin ang papel sa white rabbit! pero ung papel sa siopao? hindi noh! nakakaen ako nun pero acindente lang na di ko namalayan na may papel pa sa sobrng gutom! wakokokokoko! karton sa siopao? eh bket hindi! wakokokoko!

Well, matagal nang wala nanay ko, pero sige magko-comment pa rin ako. XD

Mukhang dahil dito sa post na ito ay may phobia na ako sa siopao. Meron na bang term para sa fear of siopao?

Naalala ko noong high school, sa isang chem project namin, gumamit kami ng caustic soda. Yun ay sa paggawa ng sabon.
o_o

Hmm, siguro ok lang na makakain ng karton o papel. Galing sa puno. Fiber din yun! (Meron nga ba?) Yoko lang makakain ng tinta or wateber.

Aargh, buhok. Di ata natutunaw yun.

Mabuti pang ikalat natin intong entry mo sa iba't ibang blog at ipafeature sa Yahoo! para mag-clearance sale ang mga siopao sa mga tindahan. Favorite ko rin yung siomai pala kaya gawan mo rin ng ganitong entry ang siomai para magmura rin.

Habang binabasa ko, kumakain ako ng siopao. Syempre joke yan.

Naalala ko lang ang isa pang kumakalat na balita tungkol sa mga pagkaing ginago:

Ma-ling na may Rat meat at

Chinese goods na may Formalin. Pormalin nalang.

Yow!sup?!p0knaT toh..ganda talaga ng mga entry mo kuya Clarence..Naaaliw talaga ako sa mga pino-post mo sa blog mo..

isang malaking kahalayan ito! hindi namin kamag anak ang mga siopao na nabanggit diyan. ang laman ng mga TUNAY na siopao ay pusa hindi karton, kung si garfield pa yun maniniwala ako dahil kartoon sya hehehe. Bakit hindi na lang natin subukan gumawa ng siopao na may alternative na palaman? kamote kaya?

Pocha. Hindi na sana ako magcocomment kaso.....hayun na nga.

Ikaw pa lang ang nakauto sakin magpost sa kadahilanang "My mom will die"...actually sinasadya kong itesting yung mga chain messages kung mamamatay talaga ang nanay ko. So far buhay pa naman. =D

Well, wala naman ako magawa kaya't mag T-typo check na lang ako. I search mo ang linyang ito sa baba. Then magulat ka dahil nagkulang ka sa pagsusulat sa pinakamamahal mong blog. Pagkatapos, i-edit mo. Or else your mom will die.

Original: "Ang karton na ay ibababad"
Suggested: "Ang karton na ito ay ibababad"

=3 Buhay pa rin ang nanay ko. How cool.

talagang sadyang mga manggagaya ang mga pinoy. pero hopefully hindi ito magagaya ng mga kababayan nating walang magawa sa buhay kundi manloko at magbenta ng ipinagbabawal at ibabawal na produkto. 0.o

d bale,ilibre mo narin ako ng siopao para matesting ko rin ang pagkain ng papel sa pwet nun. kasi neber ko pang nasubukan yon e.

yung white rabbit nga pala e paborito kong pagkain na may libreng papel. don ko lang na-realize na masarap din pala ang papel na may caramel. =]


reply OR ELSE YOU MOM WILL DIE. ^-^v

to Siopao master:Ba't ang corny nung Kartoon?

to Kamote: Kung bawal Flaming dito, sulat mo na lang ako agad ako sa Deathnote mo. Mwahyumen!

Update naman jan idol!

MATSALAP KAYA ANG BALBON NA Siopao??? Sana may magtinda ng ganun dito sa amin... Para matikman ko rin.... Lolz....

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .