Value meal
Hindi talaga ako kumportable sa pakiramdam na may nanonood sakin habang kumakain ako. Wala akong pakialam kung gutom siya o hindi, pero wag naman sanang gawing Marimar ang paglunok ko ng tanghalian ko.
Isa na nga yan sa mga dahilan kung bakit badtrip na badtrip ako sa mga fine dining blah blah blah na mga yan. Pinapahirap nila ang paraan ng paglamon mo ng pagkain sa pagdadagdag ng mga kung anu-anong pausong rules at regulations at pinapanood ka pa nila kung paano mo hawakan ang kutsara mo. Parang mga CAT Officers mo na sinisira ang banal mong highschool life.
Ano ba ang pinagkaiba kung gagamitin mo yung kaliwang kamay mo para hawakan ang kutsara? Mas malas ba talaga kapag hindi mo ginamitan ng bread knife ang garlic bread na 'sing tigas na ng sanga ng bayabas? Sa hita ba talaga dapat ilagay ang cloth? Hindi ba talaga pwedeng i-uwi ang kutsara?
Kamakailan lang, napunta kami ng pamilya ko sa ganyang tipo ng restaurant. Di ko talaga trip ang mga ganyan dahil di ko gusto ang western foods. Pero dahil 4 is to 1 ang laban, majority wins.
At ayun nga, napasok ako sa lugar na yun. Binigyan kami ng menu na kung tawagin nila ay meynyu. Nakakahilo yung mga nakalagay dun. Nakakahiya tuloy umorder kasi hindi ko alam kung ano ang tamang pronounciation ng mga pagkain. Chocolardiac Frappolicious Arrest with Rondo a La Turca. Parang ganun nababasa ko. Natatakot lalo akong umorder dahil tunog magic spell yung pangalan ng mga pagkain--baka himalang mawala yung damit nung waitress.
Anyway, ayun nga, hanap lang ako ng hanap ng sa tingin ko eh masarap na kainin ngunit ako'y nabigo. Leche. Kakailanganin ko pa yata ang tulong ni Google para makahanap ng masarap na pagkain sa mga ganung klaseng lugar. Lunch time yun at gutom na ako. Lunch time noon pero matapos kong ma-browse ang banal na meynyu nila, wala akong nakitang kahit anong pagkain na may kanin. Tae naman oh. Puro tinapay lang ang meron pero wala ring pandesal.
Waitress: Sir, ano pong drinks nila?
Kamote: Ahhh ano bang available?
Waitress: Meron po tayong bottomless iced tea, bottomless lemonade, fruit shakes, at yung latest po naming watermelon shake.
Kamote: Water--
Waitress: Watermelon shake po ba sir?
Kamote: Hindi. Water.
Waitress: Bottled water?
Kamote: Hindi.
Waitress: Service water po ba?
Kamote: Oo.
At ayun nga, umigib na siya sa pinakamalapit na NAWASA station.
Nung inihain na nung waitress yung inorder namin, may napansin akong kakaiba. May nawawala. At naalala ko lang na sa mga ganung lugar pala eh walang kutsara. Wow. Kakabadtrip naman dahil di kumportable ang kumain na gamit lang ay bread knife at tinidor. Sinigurado ko muna talagang walang kutsara sa pamamagitan ng paghahanap sa lapag kung nahulog ko ito, pagtingin kabilang mesa kung meron sila nun, at pag-kapa sa bulsa ko dahil baka sakaling naging kleptomaniac na naman ako. Ngunit wala talaga. Hanep. Hihingi sana ako ng chopsticks kay waitress pero dyahe naman kung gagamitan ko ng chopsticks ang pasta, pizza, at burger. Siguro kung umorder kami ng soup, may libreng straw yun para mahigop mo.
Sana nga eh nag-Jollibee nalang kami para naman mas nag-enjoy ako sa pagkain ko. Hindi ko naman kailangan na kumain sa mamahaling lugar para mabusog eh. Bandang huli, itatae ko rin naman yan eh. Inidoro lang din bagsak niyan.
Pero kung naniniwala ka parin na mas maganda ang mga sosyal na restaurant kaysa sa Jollibee, tandaan mo sana na:
- Mas mura sa Jollibee kaysa sa mga fine dining restaurant.
- Dahil magbabayad ka muna bago kumain, hindi ka mapapasubo at mapapa-order ng mga pagkaing may halagang dalawang libo nang hindi mo namamalayan.
- Hindi mahirap i-pronounce ang Chickenjoy, Yumbuger, Jolly Hotdog at iba pang pagkain sa Jollibee.
- Walang kiddie meal o happy meal sa mga restaurant na sosyal.
- May surprise toy sa bawat kiddie meal/happy meal.
- Naka-sachet ang mga ketchup, catsup, hot sauce, sugar, at cream sa Jollibee kaya hindi dyaheng i-uwi ang mga ito at ibaon mo sa school.
- Pwedeng i-uwi ang kutsara.
- Pwedeng i-uwi ang kutsara at tinidor para gamitin sa susunod na field trip.
- Pwede kang magdala ng pagkaing binili sa McDonalds at kainin ito sa loob ng Jollibee.
- Pwede kang magdala ng pagkaing binili sa McDonalds at kainin ito sa loob ng Jollibee at umorder pa ng extra rice.
- Pwede kang magdala ng fries binili sa McDonalds at kainin ito sa loob ng Jollibee para humingi pa ng catsup.
- Di gaya ng mga cloth ng ibang restaurants na bukod sa pwedeng basahan at lampin eh wala nang silbi, ang tissue na galing sa Jollibee ay maari mong magamit sa LBM moments.
- Sa Jollibee, merong playpark/playground/playarea ang mga kids.
- May mascot sa Jollibee.
- Mascot si Jollibee.
- Hindi lang si Jollibee ang mascot na available
- Pwede kang magpa-picture kay Jollibee.
- Pwede kang magpa-picture sa life-size na advertisement ni Aga Muhlach.
- Ma-Aga ang Pasko sa Jollibee.
- May malaking pagkakataon ka na makita si Kamote na kumakain ng langhap sarap meals sa Jollibee.
Hindi ko gustong kasabay sa pagkain ang mga mayayaman sa pagkain dahil hindi naman sumasarap ang pagkain ko kapag magkatabi ang siko namin. Hindi ko kailangang magbayad ng libo para sa isang plato. Hindi ko kailangang ipagmalaki na nakapunta ako sa mga ganyang lugar para masabing hindi ako jologs. At utang na loob, hindi nakakapag-pataas pa ng social status ang pagtambay sa mga ganyan lugar.
Masarap ang kumain, pero mas masarap ang lumamon ng kamote sa...
Ang imahe na yan ay walang habas na ninakaw sa article ng Uncyclopedia.org tungkol sa Pilipinas. Very educational talaga. Salamat kay Daden at Tancueco sa pagsasabi na merong ganyang kagandang art sa internet.


Mukha ngang masarap kumain dyan. Mayroon ba silang mani...
Posted by: Jan Erick | June 25, 2007 08:55 PM
ang pagbabalik! heheehe! ayus ung carenderia na un ha?
Posted by: Justine | June 26, 2007 12:59 AM
Roque-ness, siyempre. Gusto mo yung paborito mo pang Choco Mani. With matching theme song pa.
Justine. Siyempre boy. Pero one-hit-wonder lang yan. Wala nang follow up yan.
Posted by: Clarence | June 26, 2007 01:35 AM
holy fuckign shit you updated yer blog
Posted by: bLOOd CRAvE | June 26, 2007 07:22 PM
Yas. With images pa.
Posted by: Clarence | June 27, 2007 05:15 AM
lol at teh image. yan na ba ang nadudulot ng av saiyo.
Posted by: bLOOd CRAvE | June 27, 2007 06:55 AM
Walang kinalaman ang AV diyan. Talent talaga. Wakokoko.
Posted by: Clarence | June 29, 2007 06:57 AM
Hekekekek. "Pek-Pek"
naalala ko yung "Perjam's laundry".
Posted by: Agi | July 8, 2007 05:13 AM
Hanap rin ako pantapat jan yung "Toy*Toy" Carenderia.
Posted by: John | July 8, 2007 05:38 AM
WAAAA bad trip ba't wala akong natanggap na notification noong June 25 na ikaw ay nag-update ng iyong blog? Waaa.
Eniwei, di ko rin gets ang sobrang kahigpitan sa fine dining restaurants na yan. Di lang siguro tayo sanay. XD Yung pagbawal sa pangungulangot habang kumakain matatanggap ko pa e.
Posted by: Danielle | July 13, 2007 04:07 PM
Mahusay. Mahusay. Mahusay. Bukod sa walang mamamatay na butterfly ngaun, eh nag-enjoy akong basahin yung Cardiac Arrest with Rondo a La Turca. Pati na rin ang kabuuan ng blog.
Ilang happy meals na sana ang nabili mo sa ginastos mo sa sosyal na restaurant. Kumpleto mo na sana yung set ng toys. Sayang noh?
Posted by: Ritwic | July 21, 2007 01:57 AM
LOL @ "PEKPEK CARENDERIA" =]]
Posted by: -'Kis | August 30, 2007 09:12 PM
Kamote force ang pangunahing sponsor ng Bantay Blog™ 163,
Ingat ka kay Ma'm La guardia, Controversial ang mga "pekpek" sa MTRCB, may mga bata ka pa naman atang readers. Ror.
Posted by: Agi | September 5, 2007 03:39 AM