« Takbo! Tambling! Tago! | Main | Value meal »

Pink For Less

Wala talaga akong peyborit color at nagkataon lang na gusto ko ang pink, green, at glow-in-the-dark. Pero dahil ayaw ko nga ng jologs (na katulad mo), di ko na gusto ang pink.

Kung si Cory ay may dilaw, ang mga epal na lalaki naman ay may kulay pink.

Ayaw ko ng pink...

  1. Dahil wala ito sa ROYGBIV.
  2. Dahil paborito ito ng mga bading.
  3. Dahil gusto ito ng mga emo.
  4. Dahil kakulay ito ng gilagid mo.
  5. Dahil sinusuot ito ng mga tough guys.
    Tough_you_copy_2
  6. Dahil peyborit ito ni Bayani Fernando.
  7. Dahil mapanghi.
    Urinal2
  8. Dahil ito'y nakamamatay.
    Mmdamasthead_1
  9. Dahil ganun talaga.
  10. Dahil wala na akong maisulat sa blog ko kaya dapat umisip ako ng bagong gimik para naman may bumisita dito.

Kung tough guy ka, hindi mo na kailangang mag-suot ng shirt na may nakalagay na "TOUGH GUYS WEAR PINK". Pero kung papansin ka, ayus lang na magsuot ka ng ganun. Ang totoong tough guy eh hindi na kailangan ng isang tee na para sabihin ang totoong pagkatao nila.

Hindi ko ginawa ang entry na 'to bilang pang-asar kay '-PiNk bOi-' na nasa aking friend list.

P.S.: Ang mga larawan na yan ay walang habas na ninakaw ko sa internet. Halatang halata na wala na akong idea at wala na akong maisulat sa munti kong blog.

                            

Comments

wahahahaha! kawawa namn si gmard! walang maisulat! pero diba ang cute ni pink gurl dun sa picture ko? :)) pag uwi ko mag suot tayo ng color rainbow na t-shirt! wahahahaha!

idea ko din ang maglagay ng image sa blog, kaso dahil nakagawa ka na...mukhang ayaw ko na.

I know a straight non-emo guy who sometimes wears pink, and it looks good on him. :) Basta siguro wala na yung text na "tough guys wear pink" at walang malaking picture ng mukha ni Barbie sa shirt na yun... er... nakalimutan ko na ang punto ko.

awts...

amen parin ako. hehehehe...

hmm.... hindi naman ako tough guy ha? balimbing nga ako e! =)

'tough guys wear pink' duh.

so what kung nakapink ka? parang napaka defensive (ayaw na patawag ng bading/bakla) ng lalaking nagsusuot ng ganon.

hahaah! basta ako wala akong pakialam. aktwali, penk nga ngayon ang aking bagong selpon. angkyutkyut kase wahahaha. pero la talaga ko pake. penk rules!!! hahaha. eewnessness.

aw. ako si pink boi. di ako "tough guy" at hindi rin ako bading. si Allan K. lang ang bading na nakita kong mukhang tough. =]

wag kanang kumontra kamots. hahaha

Amf. Naalala ko tuloy nung nakapink palette kaming lahat sa RO.

Pakana ni Einjel, na paborito ang pink.

Well, yeah halata ngang walang maisulat si jologs master. Walang masyadong punch line tong entry na to eh. Pure pink hate lang talaga ang laman, muahahahahaha.

astig ang blog na toh shredmod clarence!!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .