« Jologs ang blog ni... | Main | Pink For Less »

Takbo! Tambling! Tago!

Naniniwala ka bang dapat maging sport ang Pokemon Trading Card Game? Eh ang Beyblade? Utang na loob, ayaw kong maging olympic game ang Tamiya Mini 4WD. Pero dahil nga magulo ang mundo may bago tayong sport.

Nagpunta ako sa World Pyro Olympics nung January 6, 2007. Hindi ako natuwa sa nakita ko dahil sobrang taas ng expectations ko dahil inaasahan ko talaga eh Olympics ang pupuntahan namin. Walang nakakatuwa sa panonood ng mga fireworks.

Akala ko pa naman eh astig na palabas yun. Olympics eh. 'Kala ko talaga eh may matinding competition. Ang mga inaasahan ko pa naman eh yung paramihan ng makakain na watusi, batuhan ng five star, at patandaan ng super lolo. Pero ni-isa sa mga korning expectations ko eh wala 'don. Leche. Paano natin matatawag na patimpalak yan kung wala ang mga exciting events na nabanggit ko?

Korni ang World Pyro Olympics. At yun malamang ang dahilan kung bakit ginanap yun sa Pilipinas: "Dahil maraming korni dito na manonood!" At ganun nga ang nangyari.

Ang daming tao. Hindi ka halos makapaglakad. Para sa isang walang kwentang event, napakalaking accomplishment ang pagkakaroon ng ganung karaming fans. Dinaig pa nila ang pila para sa Enteng Kabisote 3.

Dahil nga ginanap sa Pilipinas ang patimpalak na yan, late nagsimula. Gaya nga ng sabi ni kaibigang Jan Erick Roque, "GMT+1" daw lahat ng event sa Pilipinas. Greater Manila Time + 1 hour. At ganun nga ang nangyari.

Late nga nagsimula. Huli man at magaling, late parin. Pero masaya ang mga tao. Hinahanap ko kung ano ang dapat kong ikagalak dahil naiinggit ako sa mga tao sa paligid ko. Kala ko naman nahuhulog si Angel Locsin mula sa langit kaya nakatingala silang lahat. Yun pala eh, nasa taas ang event. Nasa langit.

Parang tanga ang mga tao na nakatingala habang pumapalakpak. Hindi ko alam kung anong dapat ikagalak sa mga ilaw sa langit. Ang babaw nila. Siguro kung aasintahin ko sila ng laser pointer sa mata eh baka mapatambling din sila sa saya. Bakit mo kailangang palakpakan ang fireworks? Bakit? Naririnig ka ba nun? Mas liliwanag ba sila kapag narinig ang palakpak mo? At bakit kailangan mong humiyaw? Nasa langit ba ang Baywalk Bodies? Kailangan ba ng World Pyro Olympics ng fans? Ang hindi napapansin ng mga tao ay nadadaya na sila.

Gaya nga ng iba pang mga sport, may daya rin to. Pero dahil matalino ako (at gago), hindi nila ako maloloko. Hindi totoo ang mga paputok na yun. Baka naka-projector lang yun at naka-PowerPoint presentation. Dahil kung totoo yan eh dapat sabay ang tunog ng putok sa mga ilaw sa langit. Para lang itong mga lipsynch ni Dingdong Dantes sa S.O.P. tuwing linggo. Pandaraya.

Kung ganito na ang tradisyon ng mga susunod na sport, dapat magkaroon na rin ng patimpalak para sa sunugan ng bahay at palayuan ng maitatapon na tsinelas. Kung ako ang tatanungin eh mas competitive pa na sport ang Tetris, pabilisang magluto ng Tapsilog, at paglalaro ng PangYa.

Tara na mga kids at kumain tayo ng watusi.

P.S.: Bobo na sumeryoso sa post na 'to.

                            

Comments

hahaha!

wala ka lang talgang kwenta Gmard kaya di mo hilig ang fire works! wahahahahaha!

HAHAHA!!
WALANGYA KA KAMOTE!

Akala ko pa naman allergic ka sa fireworks display. Yun pala e nakatoma ka lang nung nanood ka. WAKOKOKOK!

Wahaha! Muntik na akong maniwala sa post na to. Pumunta ka pala dun. Balak ko rin sanang pumunta kaso hindi ako pinayagan.

Ganda nung sa UK. Sayang at sa TV ko lang nakita. >__<

Waherherher.

Mapapagkamalang comment spam ito kapag nilagyan ko ng link.

Lumipat na ako sa blogspot, lipat ka na rin! lalagyan ko ng link papunta dito. Apir!

Waherherher.

Mapapagkamalang comment spam ito kapag nilagyan ko ng link.

Lumipat na ako sa blogspot, lipat ka na rin! lalagyan ko ng link papunta dito. Apir!

Astig!!! pwede ka ng writer sa TIKTIK.... Lolz....

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .