« Pulitika ayon kay Mr. Garcia | Main | OMG »

May idea ka ba diyan?

Sayang naman ang blog kung hindi i-uupdate. Mabubulok ang Kamote Force kung pababayaan nalang. Pero ang totoo nabubulok na nga ang Kamote Force dahil nangangamote na ako at walang maikwento. Mahirap mag-kwento kapag wala ka naman talagang ikukwento. Mahirap magsulat kapag wala ka naman talagang idea. Pero mas mahirap parin ang tumugtog ng flute habang kumakanta. Oo, alam kong korni yun--pinapatunayan ko lang na wala talaga akong idea.

Pinagpapawisan na ang kamay ko pero wala parin akong naisusulat. Hanep. At dahil wala na akong ibang masisisi o maikatwiran... Hindi ako makapag-isip ng maisusulat dahil nagpapawis ang mga kamay ko!!!

Opo. Pasmado po ako. Kung nababadtrip ka kapag nagpapawis ang kili-kili mo, nababadtrip din ako kapag nagpapawis ang mga kamay ko. Ngunit di gaya ng kili-kili mong may buhok, walang binebentang deodorant para sa palad mong walang buhok. Gayunpaman, walang pipigil sayo (at sakin) kung gusto mong maglagay ng Rexona sa daliri mo.

Nung Engineering Drawing 1 (dinagdag ko lang yung "Engineering" dahil mukhang maganda ang tunog) namin, kalaban ko talaga ang nagpapawis na kamay. Hanep, di pa ako nagsisimula eh kulubot na ang papel ko dahil sa pawis. Kung tutuusin eh may talent naman talaga ako sa drawing eh--kaya kong yatang gumawa ng perpektong bilog gamit ang isang 12" ruler at T-Square. Pero kahit na may talent ka (tulad ko) sa pag-guhit, malamang makakakuha ka parin ng grade na 2.75 (o mas mababa pa) kapag masipag pagbabasa ng magazine sa klase ang guro mo at kung hindi nakisama ang mga sweat glands ng palad mo.

Walang dudang salot talaga ang pasma na yan. Pero sa tingin ko, mas magandang ituring na salot yung nagpauso na dapat daw ihian mo sa umaga yung kamay mo para hindi na maging pasmado. Hayup. Sinong albularyo naman ang nagsabi nun? Ilang uto-uto na ba ang gumawa nun? Bakit kailangang umaga ihian? Bakit kailangang sariling ihi pa ang gamitin kung may nabibili namang safe and distilled na ihi sa suking tindahan? At utang na loob, HIHILAMUSAN MO BA ANG MUKHA MO GAMIT ANG KAMAY NA BAGONG LUBLOB SA JINGLE? Kalokohan yan. Masyado naman silang masama sa mga pasmadong katulad ko. Pasmado na nga ginagago pa. Wala namang ganyanan.

Dapat gumawa ng campaign para i-educate ang mga Pilipino tungkol sa pagiging pasmado. Kung popondohan lang sana ng gobyerno at ng mga pasmatologist (ang mga nagaaral tungkol sa pasmation) ang isang commercial na tungkol sa kung paano gamutin ang pasmation (ang pinag-aaralan ng mga pasmatologist), siguradong maraming maliligtas sa naturang sakit at magiging malusog ang sambayanang Pilipino. Yun nga lang, naisip kong hindi rin ganong kagandang idea yun dahil malamang eh si Manny Pacquiao ang gagamitin nilang commercial model. Hindi kasi magandang gawing model yung taong laging naka-suot ng gloves.

Sana lang, magamot na ang sakit kong 'to para: (a) hindi na tuluyang mabura ang mga titik ng keyboard ko, (b) mabawasan ang kalawang ng strings ng gitara ko, at (c) maka-holding hands ko na yung member ng The Hunks. Pero ngayon ko lang naisip na okay na rin yung pagiging pasmado para may sisisihin ako kapag wala akong maisulat sa blog.

Tandaan ang mga sumusunod:

  • Hinding hindi ko pa inihian kamay ko para mabawasan ang pagiging pasmado ko. Hindi ako ganung ka-desperado para gamutin 'to kaya wag kang matakot makipag-holding hands sakin. Bata palang ako, tinuruan na akong gamiting pag-mumog ang sariling jingle sa umaga kaya hindi ako naniwala sa makabagong katuruan na yan.
  • Kahit walang pumipigil sakin, hindi ko parin nilalagyan ng Rexona ang mga daliri ko.
  • Naniniwala akong kaya wala akong maisulat eh dahil sa pawis ng daliri ko. Naniniwala rin akong nakakahawa ang pilay lalo na sa mga sanggol at mga nagdadalang tao. Sure ako diyan. 100%! Tanungin niyo pa sa mga pasmatologist.
  • Bukod sa mahilig magbasa ng magazines sa classroom ang teacher ko sa Engineering Drawing 1, mukha din daw siyang hipon--ayon yan sa pinaka-ginagalang naming guro. Pramis.
                            

Comments

Kahit sinasabi ng isang writer na wala siyang maisulat, napapansin niya na lang ang sarili na nakabuo na pala ng isang kahanga-hangang artikulo. =)

Mwah! Nagkataon lang na naituloy ko ang entry na yan. Buti nalang walang electric pan/fan/fun kaya pinagpawisan ang palad ko. Mwah!

mental constipation lang yan tol..buti nga galing ka makagawa ng flow ng write-upssablog mo eh..ehehe...^_^

Hehehe! Sa wakas makakapag-kumento na ako! Pasensya na ha!

Walang kinalaman talaga itong sasabihin ko sa topic mo pero sasabihin ko pa rin.

Entertaining at amusing kasi ang article mo :) Sa tingin ko, isang dahilan ay dahil nagsusulat ka sa mga bagay-bagay na hindi karaniwang nagiging paksa ng mga sulatin - pasma. THE HELL? Tama ba namang magsulat ng tungkol sa pasma at ihi? Hahahaha. OO naman siyempre tamang-tama 'yon.

Mula ngayon, mag-e-expect na ako ng mga topics na kakaiba at unusual. Siyempre, mahusay ka d'on. Ay tayo pala? Hehehehe. :)

Bwahahaha. Salamat sa comment. Salamat sa paglalagay ng limos sa munting entry ko.

Nakow. T_T Wag kang mag-expect ng ganun dahil baka hindi ka lang matuwa. Ang aasahan ko eh yung entry mo. Gawa ka na ng bago para masaya. May kuryente na at may internet na kaya pwede na uli!

Salamat.

Sa wakas!

After three sittings natapos ko nang basahin ang buong blog ni idol Clarence.^^

Bakit ba feeling ko 'pag binabasa ko entries mo e parang nagbabasa ako ng Pugad Baboy?!
Yan ang wit and wisdom!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .