Bakit mahaba ang buhok ni Clarence?
Sawang-sawa na ako sa tanong na yan. Halos lahat nalang ng mga kakilala ko eh naitanong na yan sakin, at halos lahat naman ng nag-tanong niyan eh hindi natuwa sa sagot ko.
Minsan gusto kong gamitin ang payo ng kaibigan kong itatago nalang natin sa pangalang "Jan Erick Roque", na sagutin ang tanong na "Bakit mahaba ang buhok ni Clarence?" sa pamamagitan ng magic word na "At bakit hindi?". Pero naisip ko na hindi magandang sagot yun--nababagay lang yun para sa mga gurong nagtatanong kay Kamote ng: "Bakit ka walang assignment?"
Hindi ako natutuwa sa kantang "Anong Paki Mo Sa Long Hair Ko?", at walang kinalaman yun sa pag-kakaroon ko ng mahabang buhok. Walang kinalaman ang pag-gigitara ko sa pagkakaroon ko ng mahabang buhok. Hindi ako Rakista at hindi ako nakiki-uso. Hindi ko idol si Jerry Yan, Jerry C, o sino pang bida ng Chinovela kaya pinapahaba ko ang buhok ko. Hindi ko rin pinahaba ang buhok ko dahil sa trip ko ang mag-shampoo. At utang na loob--HINDI AKO BADING! $#&*!
Kanya kanyang trip lang yan. Nagkataon lang na eto ang gusto ko at pwede ko itong gawin 'to ngayon habang bata pa ako. Sigurado akong mapapanot ako agad 'pag tanda ko dahil ipinamana ito sa akin ng aking mga magulang at mga kamag-anak (Salamat talaga sa inyo! The best na regalo ang binigay niyo sakin!). Bukod dun, binigyan din ako ng malapad na noo na kailangang takpan ng buhok ko. Wala namang masama sa ginagawa ko kaya wag niyo akong ituring na holdaper.
Walang masama sa pagkakaroon ng mahabang buhok. Sa tingin ko, magiging masama lang yun kung ang hangad mo lang ay magpa-sikat, magpa-gwapo, o di kaya ay magpapansin sa kapitbahay mong itatago nalang natin sa pangalang "Kath". Walang masama sa pagiging long hair. Ang importante, masaya ka sa ginagawa mo--hindi yung ginagawa mo lang dahil uso.
Dati, hindi uso sa mga babae ang pagsusuot ng pantalon. Saya/palda, lang ang maari nilang isuot nun. Walang nakaka-isip nung mga panahon na yun na balang araw ay na maisusuot nila ang pantalon na sinusuot din ng mga kalalakihan. Ngayon naman, di alam ng mga tao na dati, hindi pwedeng mag-suot ng jeans. Pinagtatawanan lang nila ang nasabing ideya dahil sa bikini na ang uso ngayon. Sa tingin ko, darating ang araw na pagtatawanan rin ng mga tao ang ideya na ang pagkakaroon ng mahabang buhok ng mga kalalakihan ay kakaiba. Darating yun.
Lagi mong tandaan na hindi laging bad boy image ang makukuha mo dahil mahaba ang buhok mo. Marami paring mga security guards na babatiin ka ng "Gudmorneng Ma'am!" kahit mahaba ang bigote mo.
Pero dahil wala na akong maidugtong dito, sasagutin ko na ang tanong na yun.
Q: Bakit mahaba ang buhok ni Clarence?
A: "At bakit hindi?"
P.S.: For every rule, there is always an exception
Nalaman kong may ilang naniwala na "Downy" ang shampoo ko. Ipagdasal niyo ang mga kaluluwa nila dahil hindi nila alam ang ginagawa nila--conditioner ko ang Downy, hindi shampoo. Tsk tsk tsk...
Hindi ako bading. Hindi dahil sa wala akong gelpren at long hair ako, bading na ako. Gago ang magsasabi na nasa "denial stage" ako ng kabadingan. Ipagdasal niyo rin ang mga kaluluwa ng mga tukmol na nagsasabi nun dahil talagang hindi nila alam ang sinasabi nila.
Mom & Dad, I love you so much kaya nagpapa-long hair ako para di nila makita ang namana kong noo sa inyo. Mwah.
Di nga pala ako nakakapag-sulat nung mga nakaraang buwan dahil sa: a.) Tinatamad akong magsulat b.) Medyo tinatamad akong mag-sulat & c.) Parang tinatamad akong mag-sulat.

Ah, iyan pala ang dahilan. Weird, hindi pumasok sa isip ko na kwestyonin ang kahabaan ng iyong buhok. Siguro nasanay na ako dahil marami akong kaibigang lalaki na mahaba rin ang buhok. Abot baywang pa yung isa. Kanya-kanyang trip lang naman eh. ^_^
Buti ka pa nakakapag-Downy! Kelangan ko na rin ng conditioner; ang dali kasing maputol ng buhok ko, sobrang dry. *hikbi*
Posted by: Danielle | July 24, 2006 11:30 AM
Wakokoko! Idol Dani! Nakalimutan ko palang i-update ang LJ ko. Lechey. Prog mp3 rules.
Pangarap ko rin ang hanggang waist na buhok pero parang kakailanganin ko na yata ng hair dryer nun. Utang na loob. *hekbe*
Posted by: Clarence | July 24, 2006 07:28 PM
Ayos! Blessed na blessed ka nga ng mga magulang mo.ü Tamang magpasalamat ka sa kanila.
Posted by: Raine | July 24, 2006 11:21 PM
Amen. Salamat talaga sa noo.
Posted by: Clarence | July 25, 2006 05:51 AM
wahaha kamote malapit na katapusan ng ating long hair!!!
goodbye na long hair!!! waaaa
Posted by: Jay Vincent | July 26, 2006 04:12 PM
Sana hindi pa tayo piliting magpagupit. Leche naman. Kahit amoy usok buhok ko, mahal ko to.
Posted by: Clarence | July 26, 2006 06:48 PM
ok..now i know d answer 2 my question..hmm..dati kc tlgang plaisipan s akin un considering n ikaw ay active s music ministry..but since iv read and known ur reason why, i understand it now and may tama ka!!tma k ng sbihin mong di k nkikiuso at ngpapansin s mga gels hehe..tama k din xe my tinatago k pala..(malapad n noo?)haha!!cge tago mo nlng muna..hehe..cute at gwapo k nmn e hehe..pero kung nalalapit n ang taning ng buhok mo kc kailangn ng gupitan e sbhan mo ko ha tas ipamana u nlng s kin ha hehe..pde b un??ganda xe ng hair mo..how i wish akin nlng yan hehe.. parang knina dami ko naicip n sbhin kso nwala bkit kaya??nhiya ata sayo bro..xenxa n ha ngcomment ako d2 s blog u..sn d u galit..hmm...cge, bro..ingat k lagi..
Posted by: Dang | August 12, 2006 05:18 AM
ay..nkalimutan ko..may nbanggit pl u n ala u gf..hmm..maniwala??ikaw fa?alang gelfrend??at bakit??aber??ah, ok.. "icipin q nlng meron ka" sounds family b?hehe..di nga??o, cge n nga icipin q nlng tlg n ala p s icip mo mgkagf, tma po b aq?? sana..pero tma lng yun n ala p nga..sori ang gulo ko no?ang gulo q na.. ang kulit q pa..hehe..un lng pahabol ko..slmat..
Posted by: Dang | August 12, 2006 05:28 AM
Bat di mo nga itry magpakulot? (bagay ba sakin ang kulot...bagay ba sakin ang kulot...)
Posted by: IR JI | September 30, 2006 07:28 AM