« Maligayang bati | Main | Bakit mahaba ang buhok ni Clarence? »

Payong kaibigan

Tag-ulan na naman. Mating season na uli ng mga palaka. Maglilitawan na naman ang mga misteryosong kabute. Oras na para isuot ang kapote. Ayus. It's raining. Mas nakakatamad lalo ang lumabas ng bahay dahil sa mas masarap ang magpakasenti sa loob ng bahay tuwing umuulan habang nakikinig ng greatest hits ng Backstreet Boys.

Madalas, di ako nagdadala ng payon kapag umaalis ng bahay. Kung may dala man akong payong, hihintayin ko pa ang signal number 2 para ilabas yun--ilalabas lang ha. Dapat na-announce muna ng PAGASA na signal number 3 na ang bagyo para buksan ko ang payong ko--assuming na may dala nga ako.

Para sa akin, hindi naman baduy ang pagdadala ng payong. Mas nababaduyan ako sa mga papogi na nakatayo ang kwelyo at sa mga mukhang saranggolang naka-suot ng "elephants". Mas lalo namang baduy ang mga kumag na ginagawang pamporma ang jologs na paper bag ng Girbaud (pronounced daw as "Jheerbaouw"). Naniniwala akong ang pagdadala ng payong ay di nakakabawas ng pogi points, lalo na kung wala ka naman talagang ganun.

Sari-sari naman ang mga payong at sigurado akong makakahanap ka ng bagay sa style mo. Masyadong boring ang mga payong na plain lang. Kapag kulay itim ang payong mo, para kang a-attend sa libing ni Charito Solis--dapat iwasan ang kulay itim. Sa halip, piliin ang mga payong na may disenyong Hello Kitty at Kero Kero Kerropi para mas vibrant at youthful ang paglalakad mo sa ulan (Takdang Aralin: Basahin ang Holy Bible at bilugan ang lahat ng makitang salitang "vibrant" at "youthful"). Mas maganda ang Hello Kitty na payong mo kung meron itong pito ("whistle" sa ingles) sa letter "J" nitong handle--lalo na kung nasa Titanic ka. Ang mga payong naman na kulay pink, green, at glow in the dark, ay mabisang pananggalang sa ulan lalo na kapag sinamahan mo ng "African Anti-Rain Dance" (according sa Encarta Encyclopedia 2009).

Kung gusto mo namang maging baduy, magdala ka ng malaking payong na gamit ng mga nagtitinda ng sorbetes. Epektib na epektib ang mga payong na may tatak na "Jollibee", "Metrobank", "SSS" at "Eat Bulaga" bilang tungkod ng mga nakatatanda--pwede rin itong magamit na substitute sa Senior Citizen Card. Ang mga nasabing payong ay masyadong delikado sa seguridad ng mga malls kaya mapipilitan kang iwan yun sa baggage counter para maiwasan ang iba pang sakuna. Hindi makakabuti ang pagdadala ng mga naturang payong sa debut (pronounced as "dibooo") ng bespren mo dahil baka mapilitan kang magbayad ng entrance fee para sa dala mong excess baggage.

Wag kayong mahiya na magdala ng payong. Sa tingin ko mas nakakahiya ang maging uhugin dahil sa sipon na dulot ng ulan. Mas baduy ang mabasa ng ulan kaya lagi kayong magdala ng payong--para makikisukob ako.

*Sniff*

                            

Comments

Hanep! Una ako. Wala naman spam lang. wakoko!

aba.. bket ngkaroon to ng comment.. kala ko pa naman takot si gmard sken.. wahahaha.. lam mo clarence wag ka na mahiya sbhin kay KATH na mgdala ka ng payong pra sken.. hehehehehe

Ano kayang problema ni Justine? Tsk tsk tsk... Nasosobrahan ka na sa shred. Tigil mo na yan kid.

siguro gna sobra na ko sa shred... wahahaha!!

Lahat ng sobra eh masama.

Clarence. Hahahaha.

Hahahaha. Clarence.

:D

Ayus! May nag-comment uli!

Hindi ka nga talaga nagpapayong, alam mo bang dahil diyan nagkasakit ako! haha..

Di ko alam.

uy. haha. salamat uli ha. at sorry. paulit ulit na naman. anyway, nakakatawa mga entries mo. walang kupas. haha. uy si aica! hi aica. hehe.

Uy walang anuman uli ha. At wag ka nang mag-sorry dahil paulit-ulit nga.

Actually kupas na ang mga entries ko. Kulang sa oras at sa pag-iisip eh.

Hello din kay Aica at sa lahat ng mga televiewers.

Hi Clarence! Gackt to
from Pangya Forums
nakaktawa talaga ang pag tatagalog mo! sobra kahit gabi na tawa parin ako ng tawa!

Hello Gackt. Sa pagbabasa ng blog ko napatunayan mo na:

a.) Ikaw ay walang magawa.
b.) Sawa ka na sa buhay mo.
c.) Tagalog ang trip mo at hindi ka 'rin' sanay sa english tulad ko.

Salamat sayo. Mwah.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .