« The root of all evil | Main | Payong kaibigan »

Maligayang bati

Ang araw na pinaka-aabangan ng karamihan ay isang ordinaryong araw lang para sakin. Yun ay dahil sa gusto ko, at dahil ayaw kong sumunod sa uso.

Sabi sakin ng Mami ko dati, nagkaroon daw ako ng birthday party noong bata pa ako. Isang taong gulang. Ibig sabihin, wala akong paki-alam sa mga korning clowns at sa mga sablay na magicians na parehong wala sa guest list namin na binubuo ng isang dosenang nilalang--kabilang ang aking mga magulang. Sa sobrang saya ng party na yun, wala akong maalala ukol doon. Yun na siguro ang una't huling birthday party ko.

Pansin ko, kahit noong bata pa ako, laging lugi ang mga birthday celebrant dahil lagi nagugulangan siya ng mga masisibang bata tuwing nagkakaroon ng mga games gaya ng bring me, trip to Jerusalem, stop dance, Beyblade, at strip poker. Sa totoo lang, wala pa talaga akong nakitang celebrant na nanalo sa sarili niyang party. Kung saka-sakali mang nanalo siya, wala naman siyang premyong makukuha. Dahil sa mga kadahilanang yun, ayaw kong magkaroon ng party. Sa halip, ginusto kong maging masibang bata na laging panalo sa games.

Nakakatuwang tignan ang mga bata sa children's party lalo na kapag naglalaro. Lalagyan ng takip ang mata, papa-ikutin ng apat na beses (o kung ilan man ang trip nila) tapos papahampasin ng palayok. Sa dinami-dami ng upuan sa mundo, pinipili nilang mag-agawan sa limang upuan at ang hindi makaka-upo ay mabo-vote off at magiging disqualified sa Survivor Series. Imbis na sumayaw ng maayos, mas trip nilang pahintu-hintuin ang music na parang remix na naririnig sa jeep (dyip). Kapag huminto ang tugtog, dapat titigil din sa pagsayaw. Kung naka-split ka, dapat mong i-hold ang pwesto mo ng 15 seconds (o kung gaano man katagal ang trip nila) dahil kung hindi, ikaw ang magiging "Weakest Link". Kapag napansin na ng host na nakakahalata na ang mga bata na ginagago sila, papakainin nila ang mga ito. Kapag hindi nakuha sa pagkain, mapipilitan silang ilabas ang secret weapon nila: "Special guest".

Ang mga epektib na special guest sa children's party ay si Jollibee, Ronald McDonald, Jaboom Twins, at Gloria Macapagal Arroyo (pwede ring "Arrovo"). Ang mga naturang panauhing pandangal ay may kanya kanyang special attributes. Halimbawa, si Jollibee, magaling sumayaw, si Ronald McDonald naman eh mahusay tumambling, ang Jaboom Twins naman eh bihasa sa pakikipagsuntukan sa mga malalaking oso, at si Gloria naman eh mahusy sa pag-mamagic ng pera. Ngunit gaya ng Justice League at Super Friends, meron silang mga weakness.

Si Jollibee ay hindi makapagsalita kaya lahat ng kanyang mensahe eh sign language gaya ng nasa gilid ng screen kapag nanonood ka ng "Kapwa Ko Mahal Ko". Si Ronald McDonald naman eh pala-away at paborito niyang sapakin si Jollibee dahil hindi siya makakasigaw. Ang Jaboom Twins naman, bukod sa pangit na, korni pa. Si Gloria naman eh laging sablay sa magic kaya nauuwi sa corruption ang perang minagic niya.

Ngayon, paano na magiging masaya ang mga bata? Paano na magiging masaya ang celebrant?

May pag-asa pa. Ang huling pag-asa ay ang mga regalo. Mas masaya nga naman ang pagsira ng gift wrapper kaysa sa pagkain ng hotdog at marsh mallow na nasa stick. Mas masaya ang pagsira ng gift wrapper kaysa sa pag-ihip ng birthday cake. Ngunit hanggang dun lang yun. Nasa gift wrapper lang ang saya dahil tiyak na hindi matutuwa ang birthday celebrant sa regalong Barbie ng magulang niya gayong isang ganap na lalaki siya. Madalas eh wala pang regalo ang mga masisibang bata (tulad ko) at kung meron man eh maswerte ka na kung makatanggap ka ng "Good Morning Towel". Mas maswerte ka kung hindi pa ito nagagamit.

Hindi ako ngkakaroon ng birthday at hindi ko ito isinulat para maging interesado kayo sa kaarawan ko. Hindi niyo ko kailangang batiin ng "HAPI BDAY" tuwing kaarawan ko dahil para lang yun sa mga magde-debut (pronounced as "dibooo") at sa mga member ng fraternity na kilala sa pangalang "18 Roses".

Kung birthday mo ngayong mga oras na ito, paki-sabi nalang agad. Konti nalang ang "Good Morning Towel" na ireregalo ko.

P.S.: Birthday ngayon ni Jose Rizal. Batiin ninyo siya. Halikan ninyo ang mga piso niyo sa bulsa bilang tanda ng pagiging pag-asa ng bayan.

Epal lang ang mag-popost ng birthday ko. Walang gaguhan. Sikret lang natin na September 31, 1987 ang kaarawan ko. Isa pang sikret: "Totoo yun!"

Ngayon malamang eh iniisip niyo na ako'y isang gagong lalaki na materialistic. Di mo kailangang ng birthday party para maging masaya ang kaarawan mo.

                            

Comments

ako gusto ko bday party.. pero di sa mcdo.. sa bar.. at tutugtog ang fuseboxx, dream theater, steve vai, at si gmard... wahahahaha..

Wakokoko. Bakit yata may naiiba sa mga gusto mong musikero dun? Sasayaw nalang ako!

wahahaha.. wag na.. o kya sayawan mo na lang si kath... pra matuwa sayo..

Tsk tsk tsk... Isyu ka na naman ha. Para kang si Boy Abunda.

wahahaha... ayaw ko si da buzz.. ako na lang si steve vai.. ayus pa.. okie?

Ako yun eh. Pili ka nalang ng iba.

si petrucci na lang ako.. hehehe.. parang di na comment ginagawa natin dito.. kwentuhan na.. wahahaha!

tinotoo mo nga..

Siyempre.

walang namang 31 ang september ah? meron na ba??

Magkakaroon.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .