« Minalas si Clarence part 2 | Main | Maligayang bati »

The root of all evil

Dahil hindi ko masagot ang tanong na "Why do I exist?", pag-usapan natin ang pera.

Noong unang panahon daw eh asin ang gamit na pera ng mga tao. Sa bandang Europa daw yun. Yun ang ginagamit nila para bumili ng kanilang mga kakailanganin araw-araw gaya ng galunggong. Ang pera na pambili ng galunggong ay ginagamit rin nila para pasarapin ang nasabing isda na binili nila. Asin din ang pinapasweldo kaya tayo nagkaroon ng salitang "salary" (inaasahan kong alam niyo ang katumbas ng salitang "asin" sa wikang ingles). Ang Asin naman sa Pilipinas ay isang matandang band na kasabayan ng Aegis na parehong walang kinalaman sa pera. "Korni" naman ang tawag sa huling sentence na sinabi ko.

Noong unang panahon din, ginamit na pera ang mga baraha. Sa isang lugar yun sa Canada nangyari dahil sa kakulangan ng mga coins dun. Hindi ko alam kung gaano kahalaga ang mga baraha para palitan ang pera. Magkano kaya ang halaga Joker? Medyo nabawasan ang sugarol dahil sa pinampupusta na nila ang kanilang baraha.

Kailan lang, narinig ko sa balita na nahihirapan daw ang Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sa kailangan na naman daw nilang mag-produce ng 25 centavo coins. Di raw kasi natin ginagamit ang mga barya na yun kaya hindi nag-cicirculate (pakitagalog nga ang "circulate"). Bukod sa mga pulubi wala na akong pinagbibigyan ng 25 centavo coins--ngunit dahil ipinanganak akong madamot, di rin ako namimigay sa pulubi.

Noong bata ako eh hindi ako binibigyan ng pera para sa baon. Cream-O at orange juice ang recess ko, di gaya ng mga kaklase ko na bumibili sa canteen ng very nutritious na Chippy at Sprite. Kapag nagdadala ako ng pera sa school, naka-stapler pa para hindi mawala. Kung pagdadalhin man ako, yun ay dahil sa kailangan kong magbayad para sa field trip, o kaya naman eh dahil kailangan kong bayaran yung binenta saming buto ng Sunflower/Carrots/Mongo/Rafflesia/Cactus/Poison Ivy nung taong nakilala lang namin sa pangalang "Good Morning Visitor".

Hindi ko parin alam kung paano nagkahalaga ang pera. Sino bang unang nauto na ipagpalit ang kanyang house and lot para sa isang papel na may drawing na mukha at pirma ni Ramos? At bakit kailangan ng exchange rate? At bakit hindi nalang kaya gumawa ang Pilipinas ng maraming pera para hindi na mahirapan ang mga tao?

Nagtataka ako kung bakit kailangang may mukha ang pera. Siguro ito ang nagpapataas ng face value ng bawat halaga na ilalagay mo sa wallet mo. Kung ang mga bata eh giliw na giliw sa mga notebook na may mukha ni Jolina Magdangal at Judy Ann Santos, ang mga katandaan naman eh kilig na kilig sa malaking salamin ni Ninoy Aquino at sa malaking butas ng ilong ng Ilong ni Manuel Quezon. Kung walang mukha ang pera, wala rin itong halaga. Ito ang dahilan kaya itinigil nila ang paggawa ng P 1.00 na ang nakatatak eh Tamaraw, P2.00 na hugis octagon at dinrowingan pa ng Buko Tree, at yung walang halagang P0.25 na sa hindi ko malamang kadahilanan eh nilagyan nila ng paru-paro.

Siguro makakatulong P1.00 Erap Coins sa pag-unlad ng naghihingalong piso natin--sawang sawa na ang mga dayuhang tignan ang mukha ni Rizal sa piso. Kung gagawin nilang April Boy Regino ang mukha ng P5.00 coins, makakatulong din ito dahil mapapa-WOW Philippines ang mga dayuhang investor. Yung mukha mismo ni April Boy ang ihuhulog natin sa videoke machine para kumanta ng "Yeye Vonnel" at "Esperanza". Kung gagawin ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Pikachu ang nakalagay sa P20.00 bill at si Charizard naman sa P50.00, sigurado akong magiging patok ang economy natin dahil pwede rin itong i-trade sa ibang players at gawing parang teks (di ko parin alam ang spelling). Tataas ang demand sa pera natin dahil kailangan ito para makasali sa Piso-per-Pokemon tournament. Yan ang kulang sa Pinoy eh, innovation at imagination--at kagaguhan.

Di ko maintindihan kung bakit sa wikang kastila o ingles parin nating tinatawag ang piso samantalang Pinoy naman tayo. Wala pa talaga akong nakitang tindera na nagsabi ng: "Dalawampung piso lang ho ang computer package namin at dadagdagan niyo lang ho ng labinlimang piso kung gusto niyo ng package na gumagana." Sa halip na "dalawampu", "bente" o kaya "twenty" ang sinasabi natin. Asan ang pagiging makabayan dun? Siguradong sisimangot si Manuel L. Quezon sa tuwing ibabayad mo siya sa wikang banyaga. Pero yun na nga ang nakagawian natin. (Ang mga jologs na pagtawag sa pera ay ang paggamit ng salitang "isang piso" at "benchingko". Dapat nating iwasan ang mga salitang yun lalo na kapag dollar ang pinag-uusapan ninyo.)

Sa Pilipinas, di ko alam kung mahalaga talaga ang pera. Yung iba kasing mga nakukuha ko eh may mga drawing, scotch tape, at "nid txtm8! qt gurlz onli. 0920-XXXX-XXX" (try mo siyang i-text kung "qt gurl[z]" ka). Yung iba naman, ginawang scratch paper ang mukha ni Manuel Quezon--utang na loob naman, 14 + 8 nalang nga eh ginamitan pa ng scratch paper at mali pa ang sagot. Yung mga kawawang salapi ay naguguhitan ng makapangyarihang "ANL".

"The love of money is the root of all evil" ika nga nila. Gayun nalang ang aking pagka-awa sa mga kakilala kong "Manny" ang pangalan dahil ginawa silang root of all evil. Ngunit dahil sobrang korni na nitong post ko, titigil na ako at babalik sa pag-iisip ng "Why do I exist?"

P.S.: Sa mga taga-Bangko Sentral ng Pilipinas, sana po ibalik ninyo yung P100,000.00 bill na kasing laki ng bond paper (kokomban) at sana dumami pa ang P200.00 bill na may mukha ni Madam President dahil sadyang nauubusan na ako ng scratch paper dito sa bahay.

Ang "ANL" na nangangahulugang "Ari Ng Lalaki", ay galing sa "Ang Paboritong Libro Ni Hudas".

Totoo na nangyari nga sa Canada ang paggamit ng baraha pamalit sa pera. Hindi ako nagsisinungaling dahil yun ang sabi ni Wikipedia. All rights reserved.

                            

Comments

Haaay, ang galing talaga! Marami akong natutunan sa post na ito. Oozing with sarcastic humor pa, I like I like! ^_~ Astig malaman ang pinanggalingan ng "salary"; ngayon ay maiuugnay ko siya sa paborito kong "pan de sal" @_@

Sana nga magkatotoo yung Pikachu at Charizard na pera. Baka dahil doon ay matututo na akong mag-ipon. Gotta Catch 'em All!

Oo nga. Isipin mo nalang kung gaano kabigat si Snorlax.

Ang masasabi ko sa Pan De Sal ay "LOL". Hanep. Dapat ako lang ang sikat dito. Wakokoko!

Ang dami kong natutunan ah? at talagang mahilig ka sa chippy.. sa sabado, ang ihahain kong pagkain sa practice ay "tortang chippy" hmm.. sarrapp!!

Walang tatalo sa Tortang Itlog. Pinagtripan nga pala kita sa Chippy. Di uso ang paghihiganti dito. Ako bida dito. Wakokoko.

ever thought of what to do with the 'five centavos', ung may butas.. heheh anyway, galing..

Pamalit yun sa butones na nawawala. Malaking tulong yun.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .