Minalas si Clarence part 2
Basahin muna ninyo yung part 1 para masaya. Wala nang mas sasaya pa sa itsura ni Clarence habang nagmumukhang tanga.
Very refreshing ang pakiramdam ng makatapak sa lupa matapos ang mahabang pagkaka-squat. Kahit na feeling ko eh na-gang-rape ang hita ko, nakakalakad parin naman ako. Isang tricycle ride nalang at nasa "Asia's First ang Largest IT University" na ako. Pero 8 am na kaya nag-aalala na ako dahil baka nakapagsimula na silang mag-eksam. Mukhang wala na akong makokopyahan. Tsk tsk tsk... Pasakay na ako ng tricycle ng may biglang dumating na bayaning nag-da-drive ng itim na kotse.
Ayos! Mula ng umalis ako sa bahay eh parang eto palang ang unang swerte moment ko--yun lang nga. Libre ang pamasahe ko dahil sinabay ako ng kaklase kong itatago nalang natin sa pangalang "Allan" sa auto niya. Naka-save ako ng P6! Pero hindi lang yun ang swerte. Mas lumuwag ang loob ko dahil may kasabay akong papasok. Likas na responsible na kaklase yun kaya siguradong hindi pa ako late dahil kasabay ko siya. Yehey--huling yehey na yan.
Nung nakasakay ako sa kotse niya, dun ko lang napansin na hindi ko pala dala ang I.D. ko. JUSKO! Lagi pa namang paboritong pasukin nung bading na taga-check ng I.D. ang lugar kung saan kami nag-eexam dahil type nung bading si Allan. No ID no exam kasi samin. Marahil marami parin ang nakakalusot na makapasok sa eskwela kahit walang I.D., ngunit bihira ang makakalusot sa bading na taga-check ng I.D. dahil likas siyang matinik. At ayun na nga, nakapasok ako sa eskwela ng walang aberya dahil sa nakasakay ako sa auto ni Allan.
8:05 am siguro yun nung makarating kami sa eskwela. Habang nasa daan eh sinasabi sakin ni Allan na magagawan daw ng paraan ang I.D. ko at isang malaking katangahan ang umuwi sa Cainta dahil lang naiwan ko ang I.D. ko. Umakyat na kami sa classroom para masiguradong hindi kami late. Pag-akyat ng classroom, naging busy na ang bayani kong kaklase sa pagrereview at pagtatanong sa mga kaklase. Ako naman ay naghahanap ng isang tanga na maaring maging karamay--isa ding nakaiwan ng I.D.
Di successful ang paghahanap ko. Sa halip eh nagtawanan pa sila dahil sa hindi ko nga dala ang I.D. ko sa mga panahong importanteng importante ito. Yung iba eh natatawa at yung mga iba eh naawa na para bang nanonood ng "Maalala Mo Kaya" o di kaya'y "Kapwa Ko Mahal Ko". May isang concerned classmate sakin na nagsabing dapat daw eh kumuha ako ng form kay "Dean" at malamang eh yun ang makakatulong sakin para maituloy ang eksamen ko.
Paakyat na ako sa office ng Dean. Naalala ko pa ang mga pagkakataon na tinawag ko siyang "Rico J. Puno". Kakainin ko rin pala ang kagaguhan ko dahil kay Rico J. din ako hihingi ng tulong. Pero dahil nga Dean siya at wala siyang silbe, ganun din ang office niya--SARADO.
Ayos talaga. Ang ka-isa-isang tutulong sakin ay wala sa opisina niya. Baka nagpeperform siya kasama ang "Manuevers" o "Streetboys". Di kaya kumakanta siya kasama si "April Boy" o si "Renz Verano". Baka naman nakikipag-inuman kay "Victor Wood" o kaya pareng "Dolphy". Sa lahat naman ng panahon para mawala sa opisina, bakit ngayon pa? Ngayong may isang kamote na nangangailangan. Ang drama ko.
Noong pababa na ako sa hagdan, nakasalubong ko ang Professor ko sa Statistics. Tatanungin ko sana kung kailan ang susunod niyang laban o kung na-knock-out niya yung huli niyang nakalaban pero hindi ko na tinanong dahil sa marami akong iniisip... at baka hindi naman niya talaga na-knock-out ang kalaban niya. Sinabi ko sa kanya na hindi muna ako kukuha ng exam dahil sa I.D. ko. Sabi niya, gumawa raw ako ng paraan. Makakatakas daw ako kay bading na I.D. checker a.k.a. Sir William (Charing!).
Noong papunta na ako sa exam room namin para kuhanin ang bag ko dahil nagbabalak na talaga akong umuwi, nakasalubong ko ang Professor ko sa Strength of Materials. Tinanong ko sa kanya kung nasan si Dean dahil baka close sila. Pero hindi nga rin daw niy alam. Sinabi ko sa kanya ang kailangan ko kay Rico J. at medyo naawa siya sa akin. Sa loob lamang ng ilang segundo, bigla siyang naging si Mel Tiangco at ako naman ay nananawagan para pagbigyan ng exam kahit walang I.D. sa lalong madaling panahon. Naawa naman si Mel Tiangco sakin. Pinakiusapan niya ang proctor namin na payagan akong mag-exam kahit walang banal na I.D. na yan. At dahil siya ang batas, pinayagan niya akong kumuha ng eksamen basta sa likod ako uupo para hindi mahalata at mahuli ni Sir William bading na taga-check ng I.D. na yan.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Ayaw ko ng ganito eh. Dahil kung mahuli akong walang I.D. eh baka maparusahan pa ang proctor namin. Ayaw kong may isinusugal na ulo--lalo na kung proctor--dahil lamang sa angking katangahan ko. Papunta na ako sa pwesto ko sa likod na upuan na siynag aampon sakin. Nag-dadalawang isip parin ako. Kinuha ko ang scientific calculator ko (na nagbigay sakin ng 10/40 sa isang quiz), at doon ko nalaman kung gaano ako katanga.
#@!&* naman! NASA BAG KO ANG I.D. KO!!!
Lecheng buhay nga naman yan oh. Gusto ko sanang itago nalang ang I.D. ko kaya lang naisip kong gagaguhin ko lang ang sarili ko nun--kaya kaysa gaguhin ko ang sarili ko, hinayaan ko nalang na gaguhin ako ng mga kaklase ko.
Magmumukha pala lalo akong tanga kung nandoon si Rico J. sa office niya. Leche talaga oh. Isipin mo nalang na humingi ako ng tulong para sa wala. Nagmakaawa pa ako. Kakahiya. Minsan na lang nga ako mapapahiya, sa harap pa ng apatnapung mukha na nag-aabang ng kasunod na katangahang gagawin ko.
Nakapag-exam naman ako ng may I.D. ng matiwasay. Kailngan pala ang I.D. sa exam dahil gagamitin itong ruler sa paggawa ng Cartesian Coordinate System at sa pag-underline ng pangalan mo.
Sa lahat ng iyan, isa lang ang masasabi ko: "#@!&*"
P.S.: Sinend ko na yan para sa "Magpakailanman" pero mukhang ilalagay daw nila sa "Bubble Gang".

aba! kagulat at nadaan ako sa blog mo?.. mm.. tsk. tsk. tsk. too bad at nangyari ang kasumpa sumpang araw na yan sa buhay mo.. next time kasi,wag eengot engot.. ha? pis!Ü
Posted by: Rinkuji | May 9, 2006 12:08 AM
Pero iba ang pangalan mo eh.
Posted by: Clarence | May 10, 2006 05:39 AM
o nga eh.. muka nga akong tanga diba.. hoy tapos mo na ba yung cd? pambihira.. ang tagal.
Posted by: Rinkuji | May 11, 2006 07:23 AM
PAMBEHERA. ANG HERAP.
Posted by: Clarence | May 11, 2006 07:20 PM
hoy clarence... ang ganda nito... gumawa ka na rin g film tulad ng da vinci code... hehehehe... bket walng comments dun.. my sasabhin pa nmn ako tungkol sa palikulang yun... sabgy dito na lang... kalokohan lang ang maniniwala sa ganung paniniwala.. hehehehe... tama ba? ciao!!
Posted by: Justine | May 19, 2006 10:31 PM
Bwakokoko. Gusto mo talaga yung nagmumukha akong tanga ah. Salamat Justine. Mwah.
Bawal ang comments dun, dahil maraming mag-mamalinis at maghuhugas ng sariling kamay.
Posted by: Clarence | May 24, 2006 03:19 AM