Bakit walang gelpren si Clarence?
Sa bawat pagkakataong kakamustahin ako ng mga kakilala, kaklase, kaibigan, o kaaway na matagal ko nang hindi nakikita, yan ang pambungad na tanong nila sakin. Mas interesado silang malaman ang "love life" ko kaysa sa kung ano ang course ko at kung paano ako ginagago ng AMA Computer University (Asia's First and Largest IT University).
Hindi ko alam kung sadyang kamag-anak sila ni Boy Abunda o pamangkin ni Christy Fermin. Hindi ko rin alam kung ano ang interesante sa buhay ko para usisain nila. Ano naman kayang galak ang mararamdaman nila kung malaman nila ang sagot sa banal na tanong nila? Ganun nalang ba sila ka-espesyal para gawan ko ng blog entry?
'Di naman ako ipinanganak na sinungaling, pero sadyang walang gustong maniwala kapag sinasabi ko ang totoo: "Wala pa eh. Aral lang muna." Siguro nga sinungaling ako dahil sinabi kong "aral lang muna" gayong puro gitara lang ang ginagawa ko. Pero nakakabadtrip parin kapag pinagdudu-dahan ka ng mga taong akala mo eh may tiwala sayo.
Malakas lang siguro ang trip nila. Dahil paulit-ulit na ang tanong nila, iniisip ko na maaring hindi naman talaga nila gustong malaman kung may gelpren na talaga ako. Baka gusto lang nilang malaman kung tunay na lalaki ako, dahil pinagdududahan nila ang kasarian ko ayon sa haba ng buhok ko. Yung mga iba naman eh baka gusto lang malaman kung gaano kahaba ang buhok sa kili-kili ng babaeng tipo ko, kung gaano kakapal ang bigote nito, at kung totoong kumakain siya ng buhay na manok.
Pero sa tingin ko, eto ang mga main factors kung bakit wala parin akong gelpren:
- Di ako marunong manligaw.
- Likas na wais ang karamihan sa mga kababaihan ngayon kaya mahirap maka-uto ang mga katulad ko.
- Masyado pa akong bata para ma-busted.
- Ayaw kong madagdagan ang drama ko sa buhay.
- Hindi pa ako handang magkaroon ng bagong ka-text na compulsary ang pagsesend ng: "Good morning! Mishu mishu mwah mwah!".
- Ayaw ko pang magkaroon ng tatawagin o tatawag sakin ng "Honey", "Sweetheart", "Labiduds", "Gummy Bear", "Gummy Worm", "Puto", "Pastillas", "Pulvoron", "Buko Pie", "Ube Cake", "Pandan Cake", "Mocha Cake" at ang paborito kong "Baby Cakes".
- Ayaw ko ng may sinusundo sa eskwela.
- Kung sarili ko nga eh hindi ko maalagaan, gelpren pa kaya?
- Duwag ako.
Pero sa tingin ko, ang talagang dahilan parin kung bakit wala akong gelpren eh dahil sa wala akong pera. Isipin mo nalang kung paano ko pa matutustusan ang bisyo ko ng pag-gigitara kung buwan-buwan eh may mandatory exchange-gift kayo alang-alang sa banal na "monthsary" na yan. Paano pa ako makakabili ng D'addario string set ko sa gitara kung bawat magkikita kami ni gelpren eh kakailanganin ko siyang ilibre. Naniniwala akong ang mga anak lamang ng drug lord at mga anak sa labas ng congressman ang may karapatang magka-gelpren.
Tama na yung iisa lang ang bisyo ko. Hindi ko pa naman kailangan niyan eh. Di naman ako gaanong naiinggit sa mga naglalampungan sa tren (Uy! Hindi daw siya naiinggit!). Tsaka ko nalang aatupagin ang panliligaw.
May nagtext kanina sakin ng ganitong mensahe:
Ratio of a Good Relationship:
Rich BF : Happy GF
Sexy GF : Contented BF
Smart GF : Under GF
Handsome BF : Problematic GF
Lucky GF : ?"Engineer" ang BF :-)
Muntik na akong matuwa sa message at sa nagsend ng message sakin.
P.S.: Hindi lalaki ang nag-send nun sakin.
Sabi ni Engr. Joseph Lopez, "HINDING HINDI KAYO MAGIGING ENGINEER DAHIL WALANG BOARD EXAM ANG BS COMPUTER ENGINEERING KAYA WALA KAYONG KARAPATANG TAWAGIN ANG SARILI NIYONG ENGINEER."
Magshi-shift na ako ng course. Civil Engineering--para maging engineer gaya ni Engr. Joseph Lopez.
Sa mga nakaka-alam pala ng bilihan ng gelpren, pakitext niyo nalang ako. Gusto ko sana yung mura lang eh. Hirap tayo sa buhay ngayon kaya kailangang mag-tipid.
Happy viewing nga pala kay "Beybi Keyks".

hehehehe..... ayus alng un gmard... pareho lang tayo.. ayaw ko muna mgGF kasi uunahin ko muna pggigitara ko.. wakokokokoko....
Posted by: Justine | April 16, 2006 08:40 PM
natawa ako run ah!! haha!tama yan.. para mabawasan ang mga lalaking nagpapaiyak ng babae.ü *wink!*
Posted by: raine | April 17, 2006 12:23 AM
Tama ka Justine! Mas magiging gwapo tayong dalawa kapag mas magaling tayong mag-gitara. Isipin mo nalang na crush tayo ni Petrucci! Ang galing diba? Shredo-riffic!
Ms. Raine, utang na loob. Hindi naman ako nagpapaiyak ng babae. Bata pwede pa. Pero babae, HENDE. Salamat na rin sa comment. *wenk!*
Posted by: Clarence | April 17, 2006 06:40 AM
hehehe tama yan. ang kamote dapat bato, walang feelings. pero ang masasabi ko lang kahit bato nadedeform p rin. wakoko. mr. contradiction. *wonk*
Posted by: Allan | April 17, 2006 06:14 PM
nga pala meron nang napaiyak na bababe yan c clarence. si shy. naks. sweet. mag V-fresh k muna kapatid.
Posted by: Allan | April 17, 2006 06:15 PM
JUSKO. Di ko pinaiyak yun. Ikaw nagpaiyak dun diba? Presto Creams ba kamo?
Wala akong pinapaiyak. *wunk!*
Posted by: Clarence | April 17, 2006 07:37 PM
kamote may alam akong bilihan ng gelpren! text ko sayo!! gusto mo ba tulad ng gelpren ko? mura lang dun e.. heheeh!! ingats!! shredders rule!!
Posted by: Bong | April 23, 2006 01:45 PM
ano un allan??? hehehe.. mabait yan c clarence... di nmn ako pinaiyak nyan... kahit n sa skul eh di ko alam kung may galit skin... hehehe...
Posted by: Shyre | April 25, 2006 01:30 AM